HABANG lumiliit ang tsansa ng maliliit nating kababayan para sa makatao, maayos at siyentipikong serbisyong pangkalusugan mayroon naman tayong mga kababayan na sinisikap makapag-avail ng maayos na medical services kaya sa mga kilalang ospital sila nagpupunta pero mas malaking desperasyon ang dinanas nila.
Isang kaanak ng isang kaibigan natin ang nagpunta umano sa emergency room ng Lourdes Hospital noong Enero 1 dahil sa matinding ubo at sobrang taas ng lagnat.
Tiningnan naman umano ng ER doctor at agad neresetahan ng Tempra at antibiotic nang walang ano mang laboratory test.
After two days, nagbalik ang pasyente dahil hindi nagbabago ang kanyang kondisyon. Lalo pang humigpit ang kanyang pag-ubo at hindi pa rin nawawala ang lagnat.
Ang ginawa ng ER doctor, dinagdagan siya ng gamot.
Noong Enero 5, grabe na ang sikip ng dibdib ng pasyente kaya muli siyang bumalik sa Lourdes Hospital. This time, sa internal medicine doctor siya ng nagpunta. Medyo kinuwestiyon pa ng internal medicine doctor kung bakit nagreseta ng antibiotic ang dalawang naunang doctor nang wala man lang laboratory test. Kaya akala ng pasyente, maayos at magaling ang doktor na kausap niya.
Nagreseta ng apat na klase ng gamot at ini-refer siya sa ENT para matingnan daw ang kanyang lalamunan. Ginawa naman niya ang advice ng doctor. Pero after few more days, lalo lamang naghina ‘yung pasyente at hindi nawawala ang kanyang lagnat kaya nagpunta na sa ibang ospital ang pasyente.
Doon niya natuklasan na mayroon pala siyang pulmonary tuberculosis (PTB).
At sa awa ng Diyos, nabigyan na siya ng kaukulang gamot laban sa tuberculosis.
Mantakin ninyo, nabingit sa panganib ang buhay ng pasyente dahil sa kapalpakan ng tatlong doctor ng Lourdes Hospital?!
Lourdes Hospital management, paki-check po ang lisensiya ng mga doktor ninyo at baka made in University of Recto ‘yan!
E wala namang magagawa ang pasyente kapag namatay sila, dahil ang ikakatuwiran lang naman ninyo, nanggagamot kayo sa abot ng inyong makakaya dahil hindi ninyo hawak ang buhay ng isang tao.
Baka isa lang po itong pasyente na ito na naglakas-loob na lumapit sa amin, baka mayroon pa pong ibang biktima ang mga doctor na ‘yan?!
Again, paging Lourdes Hospital management!