Friday , November 15 2024

TRO sa DQ cases ni Sen. Poe pinagtibay ng SC

PINAGTIBAY ng Supreme Court (SC) en banc ang dalawang temporary restraining order (TRO) sa disqualification cases laban kay Sen. Grace Poe.

Sa ginawang en banc session, bumoto ang mga mahistrado, 12-3, para pagtibayin ang TRO na inilabas ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno noong Disyembre 28, 2015 para kay Poe.

Nangangahulugan itong hindi pa maaaring tanggalin ng Commission on Elections (Comelec) ang pangalan ni Poe sa listahan ng official candidates.

Kasabay nito, pinagbigyan ng Korte Suprema ang hirit ng kampo ni Poe na pag-isahin na lamang ang dalawang disqualification cases laban sa kanyang pagkandidato bilang pangulo sa 2016 elections.

Habang ipinagpaliban ng kataas-taasang hukuman ang oral argument na itinakda sa Enero 19 at iaanunsiyo na lamang kung kailan ang bagong schedule.

Ang oral argument ay kaugnay sa petisyon ng natalong senatorial candidate na si Rizalito David na kumukuwestiyon sa ruling ng Senate Electoral Tribunal (SET) na isang natural-born Filipino citizen si Poe.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *