Friday , November 15 2024

RH fund sapat kahit may budget cut — Palasyo

PINAWI ng Malacañang ang pangamba ng maternal health at Reproductive Health (RH) Law advocates kaugnay sa pondong pang-contraceptives na sinasabing tinapyas ng Kongreso sa 2016 national budget.

Magugunitang sinisisi ni Health Sec. Janette Garin si Sen. Tito Sotto na nagpatanggal sa P1 bilyong alokasyon ng DoH para sa pambili ng condoms at pills.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, batay sa paliwanag ni Budget Sec. Butch Abad, hindi buong P3,137,872,000 na panukalang pondo para sa family planning program ng DoH ang tinanggal ng Kongreso, bagkus may P2,275,078,000 inaprubahan kaya nasa P862,794,000 lamang ang aktwal na nabawas.

Ayon kay Coloma, pinatanggal lamang ni Sotto ang nasabing pondong nakalaan para sa Implanon implant dahil sa temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema laban sa distribusyon at pagbebenta ng nasabing contraceptive.

Kaya giit ni Coloma, mayroon pang halaga na maaaring gugulin para sa family planning bukod pa sa savings noong nakaraang taon na maaari pa rin gugulin ng DoH.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *