Sunday , December 22 2024

Masbate tatambakan ng puwersa ng PNP at AFP (Sa eleksiyon)

LEGAZPI CITY – Ano mang araw mula ngayon, nakatakdang dumating ang aabot sa 150 miyembro ng Special Action Force (SAF) sa lalawigan ng Masbate.

Ito’y bilang paghahanda sa papalapit na eleksyon sa Mayo.

Ayon kay Chief Supt. Augusto Marquez Jr., pinuno ng Police Regional Office, nagkasundo na ang kanilang hanay at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa mga ide-deploy na tropa sa lugar na inaasahang magsisimula ngayong linggo hanggang sa matapos ang eleksiyon.

Aniya, ang SAF company, AFP at dagdag na mga tauhan ng PNP na ipadadala sa Masbate ay para mahigpit na mabantayan ang private armed groups na siyang nasa likod ng mga krimen sa lalawigan base na rin sa records sa nagdaang mga eleksyon.

Kung maaalala, hindi nawawala ang Masbate sa listahan na kabilang sa election hotspots o nasa areas of concern ng Commission on Elections.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *