Friday , November 22 2024

Answered Prayers ng BI employees

MisonKAHIT halos anim na buwan na lang ang natitira sa administrasyon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino, nagbigay siya ng napakagandang pabaon sa mga empleyado ng Bureau of Immigration (BI).

‘Yan ay nang sibakin niya si dating Commissioner Siegfred ‘pabebe’ Mison.

Nang mabalitaan nila ito ay naghiyawan at naglundagan ang mga empleyado sa sobrang tuwa at paraang napa-halleluiah.

Sabi  nga nila, answered prayers ang pagkakasibak kay Mison.

Siyempre may nakisimpatiya rin, pero bilang na bilang lang sa daliri kung sino-sino sila.

Sila ay yun kung tawagin ay waray waray group na namayagpag mula pa noong GMA administration sa bureau.

‘Yan naman ang matagal na nating sinasabi at naisusulat sa ating kolum.

Hindi naman sila habambuhay diyan sa mga puwesto nila kaya huwag nilang gamitin ang ipinahiram na kapangyarihan sa pang-aagrabyado ng kapwa.

Ang akala kasi noon ni Mison, komo abogado siya ay siya lang ang nakaaalam at marunong ng batas. Sukdulang tapakan ang mga batayang karapatan ng mga opisyal at empleyado sa BI.

Ang batas ay proteksiyon lalo para sa maliliit na tao hindi ito ginagamit para paglaruan, paghigantihan o ipagparangalan ang iyong kapangyarihan.

Nalimutan yata ni Mison na mayroong tinatawag na KARMA.

Ngayong tumama na ito sa kanya, naintindihan na kaya niya kung ano ang ibig sabihin ng KARMA?!

Lubos ang pasasalamat ng BI rank & file employees kay SOJ BEN CAGUIOA na kung hindi dahil sa kanya ay baka nasa madilim na direksyon pa rin ang kanilang ahensiya.

Ganun din kay Asscomm. Gilbert Repizo,Asscomm. Mangotara at Exe. Dir. Eric Dimaculangan na sa panahon na sila’y dumadanas ng paghihirap ay laging nakasuporta sa kanila.

Kaya naman napakainit ng pagtanggap nila sa bagong BI Comm. na si Atty. Ronaldo Geron.

Pero masuwerte pa rin si Mison, nasibak siya sa BI nang hindi nala-lifestyle check…

Ma-lifestyle check pa kaya si Mison?

‘Yan po ang aabangan natin.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *