Friday , November 15 2024

24 arestado sa nationwide gun ban

UMABOT na sa 24 katao ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa pagpapatupad ng election gun ban na nagsimula nitong Enero 10.

Batay sa datos ng PNP, kabilang sa mga naaresto ay dalawang security guard at isang miyembro ng Philippine Coast Guard habang mga sibilyan ang iba. Labinlimang baril ang nakompiska.

Samantala, nakompiska rin ang 41 ilegal na gamit tulad ng matatalas at mga bala.

Kalat na sa buong bansa ang 1,736 checkpoints ng PNP mula nang maging epektibo ang gun ban.

Matatandaan,  nagpetisyon ang mga gun ower sa SC kaugnay ng ipinatupad na gun ban para sa eleksiyon na magtatagal hanggang Hunyo 8.

Comelec gun ban, ipinahaharang sa SC

HINILING ng Gun Owners in Action (GO Act) sa Supreme Court (SC) sa pamamagitan ng kanilang presidente na si Eric Acosta, na maglabas ang hukuman ng writ of preliminary mandatory injunction laban sa umiiral na total gun ban.

Ayon sa GO Act, nilalabag ng Comelec gun ban ang Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Act of 2013.

Giit nila, ang may lehitimong banta sa buhay ay kinikilala ng batas para magdala ng armas bilang personal na proteksiyon.

Bagamat sa umiiral na gun ban ay pinapayagang magbitbit ng armas ang presidente, bise presidente, mga mambabatas, miyembro ng gabinete, mga mahistrado, pulis at sundalo, hindi nito sakop ang mga abogadong may maselang kasong hinahawakan at ang mga nasa hanay ng media.

Nagsimula ang patakarang ito ng poll body noong Enero 10, 2016, kasabay ng pagsisimula ng election period.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *