Friday , November 15 2024

Steelman nangisay sa koryente, 1 pa kritikal

PATAY ang isang 21-anyos steelman habang ginagamot ang kanyang kasama nang madikit ang hawak nilang steel bar sa linya ng koryente sa ginagawang gusali sa Ermita, Maynila kahapon ng umaga.

Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Maynila si Noel Sale, stay-in sa construction site sa 1863 Pilar Hidalgo Lim St., Ermita, Manila, habang ginagamot sa nasabi ring ospital si Adrian Pantua, 24, isa ring steelman, residente ng P. Paredes St., Sampaloc, Manila.

Sa report ni Det. Jorlan Taluban ng Manila Police District (MPD)-Homicide Division, dakong 10:30 a.m. nang naganap ang insidente sa construction site sa 1863 Pilar Hidalgo Lim St., Emita, Manila.

Habang nagtatrabaho ang mga biktima sa itaas na bahagi ng gusali nang madikit sa linya ng koryente ang hawak nilang steel bar.

Isinugod ang dalawa sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival si Sale.

Inaalam pa kung may pananagutan sa insidente ang nagpapagawa ng nasabing gusali.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *