Sunday , December 22 2024

Politiko may demand letter mula sa NPA

AMINADO ang ilang politiko na nakatanggap na sila ng sulat mula sa New People’s Army (NPA) para paalalahanan na magbayad ng “permit to campaign” (PTC) sa mga lugar na kontrolado ng mga rebelde.

Kinompirma ng tatlong kandidato na tumatakbo sa lokal na posisyon sa Quezon province na nakatanggap na sila ng demand para sa PTC fee.

Ayon sa reelectionist mayor ng Bondoc Peninzula, noong nakaraang buwan pa siya nakatanggap ng sulat mula sa NPA.

“I received my invitation letter last month,” ayon sa reelectionist mayor.

Dinala aniya ng isang barangay official ang sulat ngunit walang nakalagay kung magkano ang babayaran niya sa mga rebelde.

Maging ang mayoralty candidate ng Lamon Bay area ng fourth district ng Quezon ay sinasabing nakatanggap din ng demands sa pamamagitan ng kanyang mobile phone.

Nanawagan si Brig. Gen. Erick Parayno, commander ng 201st Infantry Brigade ng Philippine Army sa Quezon, na huwag ibigay ang demand ng mga NPA.

“The candidates should not be frightened. The rebels are now a weak force. If they give in, the extortion will not stop,” paliwanag ni Parayno.

Sa mga nakaraang halalan, napaulat na bukod sa cash ay humihingi rin ang mga rebelde ng bigas, food stuff, gamot, communication equipment maging cell phone load sa mga kandidato. 

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *