Sunday , December 22 2024

Mga opisyal ng Comelec hindi nagkakaunawaan

00 firing line robert roqueLaman ng mga balita ang hindi pagkakaunawaan ng dalawang opisyal ng Commission on Elections (Comelec).

Sa komento na isinampa ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa Suprme Court (SC) noong Huwebes ay hiniling niya na ibasura ang petisyon ni Senator Grace Poe, na baligtarin ang desisyon ng First at Second Divisions ng Comelec na maitsapuwera siya sa 2016 elections.

Nanindigan si Guanzon na hindi umano natural-born Filipino ang senadora at hindi ito nakasunod sa 10-taon na paninirahan sa Pilipinas na kinakailangan sa mga nais kumandidatong pangulo.

Pero kinabukasan ay nagpahayag ang mismong chairman ng Comelec na si Andres Bautista na ang komento na isinampa ni Guanzon sa SC ay hindi idinaan sa kanya o sa buong Comelec.

Inilagay raw ang kanyang pangalan sa dokumento pero hindi ito ipinabasa o pinapirmahan sa kanya. Kitang kita naman sa naturang dokumento na ipinakita sa isang TV news program noong Biyernes na naroon nga ang pangalan ni Bautista pero wala ang kaukulan niyang pirma.

Nag-isyu si Bautista ng memorandum na nag-uutos kina Guanzon at Comelec law department director Maria Norina Tangaro-Casingal na magpaliwanag kung kanino sila humingi ng permiso para isampa ang naturang komento. Kapag hindi raw niya nagustuhan ang paliwanag ay sasabihin niya sa SC na walang awtorisasyon ang isinampang komento.

Para kay Bautista ay hindi wasto at kawalan ng paggalang ang ginawa ng dalawang ito dahil hindi raw siya binigyan ng pagkakataon na pag-aralan ang nilalaman ng dokumento.

Ipinaglaban ni Guanzon ang ginawa sa kanyang Twitter account. Bilang commissioner ay hindi raw siya subordinate ni Bautista at walang kontrol ang Comelec commissioner sa kanya. Baka masira raw ang imahe ng Comelec at maapektuhan ang kaso nila sa SC dahil sa ginawa ni Bautista.

Alalahaning bilang chairman ay si Bautista ang presiding officer at chief executive officer ng Comelec. Hindi ba natural lang sa isang pinuno na magdamdam kung hindi kinikilala ng kanyang mga nasasakupan ang kanyang awtoridad?

At kailan man ay hindi maganda sa paningin nino man ang hindi pagkakasundo ng mga opisyal ng isang organisasyon, lalo na kung taong-gobyerno ang mga ito. Bakit hindi idaan na lang sa tamang proseso at kailangan pang humantong sa pagbabangayan sa harap ng publiko?

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *