Friday , November 15 2024

Higit 12-K M4 carbine para sa AFP nai-deliver na

SUMAILALIM na sa technical inspection ang mahigit 12,000 bagong M4 Carbines ng Armed Forces of the Philippines (AFP) makaraang makompleto ang delivery noong Disyembre.

Ayon kay Army spokesman Col. Benjamin Hao, ang mga inorder na baril na bahagi ng modernization program ng AFP ay isasailalim muna sa inspeksiyon sa pamamagitan ng military experts bago i-turn over sa mga sundalo.

“They have to undergo procedure, it takes another time before they will be distributed to troops,” ani Hao.

Nabatid na nai-deliver na lahat ng American arms manufacturer Remington ang huling batch at karagdagang 56,843 mula sa 12,657 M4 carbines na binili ng pamahalaan.

Pinondohan ito ng AFP ng P1.9 bilyon.

Unang na-deliver ang 24,300 baril noong Hulyo 2014 at sinundan ito ng 19,300 piraso makaraan ang isang buwan.

Ang M4 carbine ay kapalit ng 1960s-era M16 rifle na gamit ng mga sundalo ng AFP.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *