Friday , November 15 2024

Bagatsing suportado ng Muslims sa Maynila “The best among the rest!”

erap bagatsingGanito isinalarawan ng grupo ng mga kapatid na Muslim sa lungsod ng Maynila si 5th Distrcict Congressman Amado S. Bagatsing nang pormal na ihayag ang kanilang pagsuporta at pag-endorso sa kongresista sa kanyang pagtakbo bilang Alkalde ng lungsod ngayong 2016 election.

Ayon kay Engineer Manuel Diria, Chairman at Presidente ng grupong Alyansang Aakbay sa Makabagong Tagumpay Inc., (ALAMAT) isang grupo na nakapailalim ang 80 grupo ng mga Muslim sa Maynila partikular mula sa Baseco, San Andres Bukid, San Andres Malate, at Quiapo.  

“Pinili po namin si Congressman Amado Bagatsing sa pagpipiliang tatlo dahil nakikita namin na siya lang ang may seryosong programa para sa mamamayan ng Maynila, kamukha ng KABAKA, na hindi naman lingid sa kaalaman ng mga Manilenyo na marami nang natulungan dito sa siyudad ng Maynila si Cong. Bagatsing. Nakikita po namin na ang lumalalang peace and order sa Maynila ay tanging si Cong. Bagatsing lamang ang susi para maayos ito,” pahayag ni Diria.

Bukod rito, iginiit rin nito na iisa umano ang naging boses ng mga kapatid na Muslim sa lungsod sa paniniwalang hindi bibigyan ng importansiya at pansin ang hanay ng mga Muslim sa lungsod sa administrasyon ni dating Mayor Alfredo Lim at kasalukuyang Mayor Joseph “Erap” Estrada.     

“Ang mga miyembro po ng ALAMAT at heads ng mga muslim organization ay kinausap, lahat sila ay sumasangayon na hindi nabigyan ng pansin at totally neglected sa siyudad ng Maynila ang mga Muslim,” pahayag nito.

Samantala, pinasalamatan ni Bagatsing ang mga Muslim sa lungsod sa ginawang suporta at pag-endorso sa kanyang programa at kandidatura para sa pagka-alkalde ng Maynila. Ayon sa Kongresista, ipagpapatuloy umano niya ang mga programa at proyektong sinimulan ng kanyang namayapang ama na si dating Manila Mayor Ramon D. Bagatsing para sa mga kapatid na Muslim sa pamamagitan ng itinatag nitong Office of Muslim Affairs.

“Akoy nagagalak sa suporta at tiwalang ibinigay sa akin ng ating mga kapatid na Muslim dito sa lungsod ng Maynila. Sabi ko nga sa kanila, sama-sama tayong gumawa ng alamat sa Maynila, sapagkat sa laban na ito, ang mensahe sa buong Filipinas ay very discriminating at intelihente ang mga Manilenyo at sa kabila na wala tayong resources tulad ng resources ng mga kalaban ko at sinasabing pera, pera lang ‘yan, nakikita natin na pipili tayo ng may ‘programa’ at isang puro ‘pera.’ Ang aming inio-offer sa Maynila at sa mamamayan nito ay program for the last 30 years. At ‘yung huling itinayo namin ay Kabaka clinic, wala pong bayad ‘yan, hindi naman po ako mayor, pero nakapagbibigay tayo ng libreng gamot, libreng ultrasound, blood chemistry, 2d echo,  libreng ECG, walang bayad po lahat ‘yan. E sila mayroon silang taxes na nakukuha kaparehas ng nakaupo na and yet naniningil para sa kalusugan ng mahihirap na Manilenyo. A healthy family is a productive family, kaya po namin ginawa ang huling programa ng Kabaka. 46,000 na ang aming natulungan in 9 months and yet hindi naman ako mayor.

“Para naman sa pagkilala sa kontribusyon ng mga Muslim noong panahon ng aking ama na si Mayor Ramon D. Bagatsing, nagtayo siya ng Office of Muslim Affairs. Kinilala niya ang kontribusyon ng mga kapatid na Muslim kaya binigyan niya ng disente at maayos na opisna under the office of the mayor. At ‘yan naman ay aking nais ipagpatuloy. Lumalaki ang bilang ng Muslim community sa Maynila. At plano ko nga, katulong ang Office of Muslim Affairs ay magtayo ng isang elementary schools para sa mga anak ng mga Muslim sa Maynila. Para ang kanilang kultura ay nananatili at sila naman ay katulong sa pag-angat ng ating siyudad. So karapatan lamang  ng isang mabuting ama ng siyudad ay pangalagaan ang lahat ng nasasakupan niya,” paliwanag ni Bagatsing. 

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *