Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Traslacion ng Nazareno tumagal nang higit 20 oras

MAKARAAN ang mahigit 20 oras na prusisyon, naibalik na sa loob ng simbahan ng Quiapo ang imahen ng Itim na Nazareno.

Dakong 2:02 a.m. kahapon nang pumasok ang andas ng Nazareno sa loob ng simbahan sa gitna ng hiyawan at pagwawagayway ng panyo ng libo-libong debotong matiyagang sumama at nag-abang sa prusisyon.

Agad nagpasalamat si Msgr. Hernando Coronel, rector ng Basilica Minore ng Nazareno, sa mga debotong nakiisa sa taunang traslacion.

Tinatayang 1.5 milyong deboto ang nakiisa sa Traslacion ngayong taon.

Ruta ng Traslacion 2016 ‘di nasunod

HINDI nasunod ang itinakdang ruta ng Traslacion ngayong taon na naging resulta ng pag-ikli nito.

Ayon kay Chief Inspector John Guiagi ng Plaza Miranda Police Community Precinct, inilihis ng mga nagpapasan ang andas patungo sa tradisyonal nitong ruta.

Imbes dumiretso sa Quezon Boulevard at kumanan sa Arlegui mula Globo del Oro, mula sa Quezon Blvd., ay kumaliwa na ang andas patungong Gunaw Street, saka kumanan sa Arlegui.

PH Red Cross umalalay sa 1,578 deboto

UMABOT sa 1,578 pasyenteng deboto ang natulungan ng Philippine Red Cross (PRC) sa naganap na taunang prusisyon ng imahe ng Itim na Nazareno sa Maynila nitong Enero 9.

Sa huling tala ng PRC, 793 sa kabuuang bilang ng mga pasyente ang inilalayan dahil sa problema sa kanilang blood pressure.

Samantala, 600 ang dumanas ng minor injuries habang 55 ang major injuries. At dalawa ang naiulat na namatay sa traslacion.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …