Friday , November 15 2024

Maitim na bigas ipinamudmod sa mga maralita sa Caloocan

MULING kinondena ng grupong Maralitang Tagalungsod ng Kalookan (MataKa) ang pagiging manhid ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan na nagpamigay ng maitim na bigas nitong Kapaskuhan.

Ayon kay MataKa Chairman Almer Cruz, nakalulungkot ang patakarang ‘walang pakialam’ ni Malapitan sa mga maralita na hikahos na sa buhay ay iinsultuhin pa sa ipinamudmod na bigas na hindi kinonsumo ng mga pinagbigyan sa takot na kontaminado ang pagkaing butil.

“Sobra na ang pang-aapi ng administrasyon ni Mayor Oca sa maralitang tagalungsod ng Caloocan na hindi na nga tinulungan sa demolisyon ng kanilang mga bahay, pinamaskuhan pa ng maitim na bigas na nakatatakot  nang isaing. Iyan ba ang ipinagmamalaki nilang tao ang una sa aming lungsod?” tanong ni Cruz.

Nauna rito, nanawagan ang MataKa kay DILG Secretary Mel Sennen Sarmiento na ipatigil ang lahat ng ilegal na sugal sa Caloocan lalo ang tatlong beses na pagbola ng jueteng kada araw na nagpapahirap sa mga nagsisitayang maralita na nakikipagsapalaran sa pag-asang mananalo sa ilegal na sugal.

“Nakalulungkot na hindi nakikita ng pulisya ang lantarang pangongolekta ng jueteng sa buong Caloocan gayondin ang mga pinagsasaklaang mga patay na ginagamit lamang kaya kahit isang buwan na ay hindi pa rin inililibing,” giit ni Cruz. “Masyadong talamak at lantaran ang lahat ng ilegal na sugal sa aming lungsod mula nang maupo si Mayor Ocal na kalat na kalat na lulong sa casino.”

Ibinunyag ni Cruz na isang kamag-anak umano ni Malapitan ang nasa likod ng jueteng at lahat ng ilegal na sugal sa Caloocan kaya walang magawa ang pulisya para maipatigil ang mga ito.

“Ipinagyayabang nila na may bendisyon ng Liberal Party (LP) ang jueteng dahil para sa campaign fund ni Mar Roxas sa halalan kaya nagtataka kami na sobrang tahimik si Cong. (Edgar) Erice sa illegal gambling sa Caloocan,” dagdag ni Cruz.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *