Friday , November 15 2024

Kuya Germs ihihimlay sa Enero 14

ITINAKDA sa araw ng Huwebes, Enero 14, ang libing ng tinaguriang Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno sa Loyola Memorial partk sa Marikina.

Ito ang sinabi mismo ng kanyang pamangkin na si John Nite.

Nabatid na patuloy ang pagbuhos nang pakikiramay mula sa malalapit na kaibigan sa showbiz, kamag-anak, kaibigan at mga fans sa burol ni Kuya Germs.

Napuno ang loob at labas ng Mount Carmel Chapel sa Quezon City sa dami ng mga tagahanga at kaibigan na nagnanais makita ang labi ng beteranong aktor.

Ilang celebrities din ang bumisita sa burol ni Kuya Germs na nagbigay ng kanilang pakikiramay at respeto na kinabibilangan ng aktres na si Dawn Zulueta, Rita Avila at Mother Lily Monteverde.

Magkakaroon ng tsansa ang lahat na makita ang labi ng kilalang comedian/actor/host sa public viewing na magtatagal nang apat na araw o hanggang araw ng Martes.

Sa higit limang dekada ni Kuya Germs sa industriya ng showbiz, iginugol niya ang kanyang oras upang tulungan ang mga kapwa artista partikular ang mga nag-aasam na magkaroon ng break pinilakang tabing.

Ililipat ang labi ni Kuya Germs sa Enero 13, Miyerkoles, sa network na kanyang kinabibilangan na naging loyal siya nang mahigit sa 50 taon.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *