Friday , November 15 2024

Iringan nina Bautista at Guanzon sa DQ case ni Sen. Poe tumitindi

LALO pang tumindi ang bangayan nina Comelec Chairman Andres Bautista at Commissioner Rowena Guanzon kaugnay ng inihaing tugon sa Supreme Court (SC) para sa isyu ng disqualification ni Sen. Grace Poe.

Bukod kina Bautista at Guanzon, ilang persona ang nagbigay ng panig sa sinasabing walang pahintulot na paghahain ng commissioner ng comment sa kataas-taasang hukuman.

Ayon sa tagapagsalita ni Poe na si Valenzuela Mayor Rex Gatchalian, hindi dapat dinadala sa publiko ang isyung dapat na pinagtatalunan lamang sa loob ng poll body.

Habang kinampihan ng legal expert na si San Beda College of Law dean Ranhilio Aquino si Guanzon sa pagsasabing ang Comelec ay collegial body at ang commissioners ay hindi subordinate ng chairman.

Una rito, binigyan ng memo ni Bautista ang lady poll official dahil inihain daw ang comment sa SC nang wala siyang lagda.

Kung mabibigo raw si Guanzon na maipaliwanag ang bagay na ito ay maaari niyang hilingin sa Korte Suprema na ipawalang saysay ang komentong isinumite dahil hindi iyon sinang-ayonan ng buong commission en banc.

Ngunit tugon ni Guanzon, walang karapatan ang Comelec chief na sabihing walang authority ang inihain nilang comment.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *