Monday , December 23 2024

Escorts ng VIPs bakit hindi pa inire-recall

PNP APECKINOMPIRMA man ng pamunuan ng PNP Security and Protection Group (PSPG) na ini-recall na ang 800 policemen na bodyguards ng ilang public at private individuals, nagtataka pa rin ang inyong lingkod kung bakit sandamakmak pa rin ang foreign Casino players na mayroong kasa-kasamang bodyguard sa iba’t ibang casino sa bansa.

Sabi ni PNP-PSPG spokesperson, Supt. Rogelio Simon, nagpadala na sila ng recall letters sa VIPs at mga opisyal na mayroong police escorts.

Sana naman ay epektibo ‘yan agad-agad Kernel Simon.

Pinagre-report na raw ang mga nasabing police personnel sa PNP Headquarters at Camp Crame simula ngayong araw, Enero 11, 2016 para sa accounting.

Ayon kay PSPG chief, Police Chief Supt. Alfred Corpus, ang recalled personnel ay isasailalim sa re-training at madedestino sa key units ng PSPG partikular sa mga vital installation protection unit.

Uy! Dapat talaga ‘yan, Gen. Corpus.

Marami kasi na naging bodyguard ng ilang VIPs ay nahawa sa angas ng kanilang mga ‘amo’ na nanghihiram ng tapang sa sandamakmak na baril.

Bukod pa riyan, pansinin ninyo na marami sa kanila ay naging UTAK-PULBURA na rin.

Hindi lang sa mga foreign casino players. Maging mga nagmamalaking ‘media’ na purol ang mga panulat kaya kinakailangan nilang manghiram ng tapang sa baril.

Ang dami diyan, Gen. Corpus, pakalat-kalat kung saan kaya kailangan talagang isailalim ang mga naging BODYGUARD na ‘yan sa rehabilitasyon.

Dinaig pa kasi ng mga pulis na naging bodyguards ng maaangas ang mga sundalong nakadestino sa West Philippine Sea.

‘Sumisingasing’ kapag nakakita ng tao.

Ingat-ingat lang po sa tabi-tabi!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *