Anti-Poverty Program ng INC pambulaga sa 2016 (Pinaigting, pinalawak, pinarami)
Hataw News Team
January 11, 2016
News
SA direktiba ni Iglesia ni Cristo (INC) Executive Minister Ka Eduardo V. Manalo sa pagpapaigting ng mga proyektong nakatuon sa pagsugpo sa kahirapan na pangunahing isinasakatuparan sa ilalim ng Lingap sa Mamamayan Program ng Felix Y. Manalo (FYM) Foundation, agad isinakatuparan ng INC ang ikalawang bugso ng kanilang 2016 outreach program noong nagdaang Sabado, Enero 9, sa Maharlika Trade Center, Mindanao Ave., Maharlika, Taguig City, na mahigit 20,000 food packs ang ipinamahagi sa mahihirap na residente sa Taguig.
Bukod sa natanggap nilang grocery items, libo-libong residente ng lungsod ang nakinabang sa libreng konsultasyon at agarang gamutan na ibinigay ng 1,500 doktor at mga dentista, kasama ang security personnel upang tiyakin ang ka-ayusan at pangalagaan ang kaligtasan ng mga benepisaryo.
Isinakatuparan ang nasabing gawain sa paki-kipag-ugnayan ng pa-ngulo ng Association of Barangay Chairmen (ABC) of Taguig City na si Yasser Garnace Pangan-daman.
Halos kasabay ng Lingap sa Mamamayan sa Taguig, isa pang Li-ngap sa Pamamamaha-yag ang isinakatuparan sa kapilya ng INC sa lokal ng Tondo na kinabibila-ngan ng pamamahagi ng katulad na “goodie packs” sa 10,000 residente sa Baseco, Tondo at Parola.
Sa gitna ng mga gawaing ito, sinabi ng General Auditor ng INC na si Glicerio B. Santos, Jr., ang kanilang pinaigting na programa tungo sa pagsugpo sa kahirapan at pagtulong sa mga napag-iiwanang mga komunidad sa bansa ang pangunahing bibigyan ng prayoridad sa 2016 outreach program ng Iglesia ngayong 2016, kasabay ng pahayag sa ilalim ng pangangasiwa ni Ka Eduardo, “malaking lundo ang inilalaan sa ‘outreach and socio-civic activities’ na naglalayong iparating ang biyaya ng Diyos, hindi lamang sa mga kasapi ng INC, kundi lalong-lalo sa mga maralitang komunidad sa bansa” na higit umanong nangangailangan ng malasakit.
Ang 2016 Lingap sa Mamamayan na idinaos noong Enero 2, ang nagsilbing panimulang bugso sa serye ng mga proyekto ng INC bilang paggunita sa kaarawan ng dating Executive Minister ng Iglesia na si Ka Eraño G. Manalo, isang tradisyon na ipinagpapatuloy ni Ka Eduardo. Dito unang namahagi ng mga pangunahing pangangailangan ang Iglesia ngayong taon kasabay ng libreng serbisyo ng mga doktor at dentista.
Agad din susundan ang tatlong nabanggit na proyekto ng pagpapasinaya sa bagong eco-farming site sa Cotabato na inaasahang magbibigay ng hanapbuhay sa 8,400 indibidwal na kabilang sa Lumad at B’laan indigenous communities.
“Ang pagsasakatuparan sa mga proyektong ito ay malugod na pagsasabuhay sa aming paniniwala na ang pagtulong sa kapwa at pagkalinga sa higit na nangangailangan ay tungkuling atang sa amin ng Diyos,” paliwanag ni Santos.
“Hanggang may mga kababayan tayong nakikipambuno sa kahirapan, patuloy na tutustusan at isasakatuparan ng INC – sa abot ng aming makakaya – ang pagbibigay ng saklolo tungo sa pagpapabuti ng kanilang kalagayan. Higit sa pagtulong sa nangangailangan, hangad namin magsilbing kabalikat nila at tulungan silang tulungan ang kanilang mga sarili.”
Ang bagong eco-farming site ay nasa loob ng 16,000 ektaryang lupain. Uusbong dito ang plantasyon ng saging, mais, palay at kape na lilikha ng trabaho para sa mga katutubong komunidad. Bibigyan din sila ng mini-water reservoir, mga kagamitang pansakahan, mga kasangkapan sa bukirin, binhi, pataba at iba pang agri-inputs at mga sasakyang gagamitin sa nasabing eco-farming site.
Bukod sa ipatatayo ng INC na 3,000 pabahay para sa mga pamilyang Lumad at B’laan.