Friday , November 15 2024

Anak ni Tsong sinipa ng Brgy. Chairmen (Sa Parañaque City)

011116 FRONTNABALOT ng kontrobersiya ang pamunuan ng Liga ng mga Barangay sa Parañaque City matapos patalsikin bilang pangulo ng kapwa niya mga punong barangay si Jeremy Marquez, anak ng komedyanteng si Joey Marquez, dahil sa sinasabing magaspang na pag-uugali at pagiging oportunista na nagresulta sa pagkawala ng tiwala sa patuloy na pamumuno sa kanilang samahan.

Sa isang panayam, kinompirma ni Johnny Co, punong barangay ng Sto. Niño, na napagkaisahan nilang sipain sa puwesto si Marquez sa pamamagitan ng isang resolusyon dahil sa paggamit sa kaniyang posisyon para isulong ang sariling mga interes imbes isulong ang kapakanan ng mga mamamayan sa kanilang lungsod.

“Ang gusto namin sa pangulo ng aming grupo ay iyong kapakanan ng taumbayan ang uunahin at hindi ang pansariling interes ang inaatupag at isa pa, dapat marunong din siyang tumupad sa kanyang mga pangako at pinasok na kasunduan,” wika ni Co.   

Napag-alaman, nilagdaan ng 12 punong barangay ang isang resolusyon noong Disyembre 23, 2015 na idineklara nilang bakante ang posisyon ng pangulo ng Liga ng mga Barangay kasabay ng panawagan para sa isang panibagong halalan para sa nasabing puwesto.

Sa 16 na punong barangay ng lungsod ay apat lamang kabilang na si Marquez sa barangay captain ng BF Homes ang ‘di lumagda sa nasabing kasulatan kung kaya’t napagtibay ng resolusyon ang pagpapatalsik sa kanya.

Matapos ideklarang bakante ang puwesto ay itinakda ng mga punong barangay ang isang halalan noong Disyembre 29, 2015 at doon ay naideklarang nanalo bilang bagong pangulo si Kapitan Christopher Aguilar ng Brgy. Marcelo Green. 

Kasunod nito ay nanumpa na rin si Aguilar bilang bagong halal na pangulo sa harap ni Parañaque Regional Trial Court Executive Judge Jaime Guray nitong Enero 4, taon kasalukuyan, para selyohan ang kanyang pamumuno. 

Dahil sa panalo ni Aguilar, nabunyag na bukod sa paggamit sa kaniyang posisyon para maisulong ang personal na interes sa politika ay nabigo rin si Marquez na tumupad sa isang nauna nang gentleman’s agreement kay Aguilar sa term sharing bilang pangulo ng kanilang samahan.

Lumalabas na matapos ang halalan noong 2013 ay una nang nanungkulan si Aguilar bilang acting president ng Liga ng mga Barangay. Ngunit pinakiusapan siya ni Marquez na magdaos ng halalan at tulungan sa kanyang kampanya upang maging pangulo dahil nais daw ng huli na siya ang maupo bilang pangulo.

Para maiwasan ang kaguluhan ay pumayag naman si Aguilar sa pakiusap ni Marquez at tumakbo na lang bilang vice president sa kasunduan na magkakaroon sila ng term sharing bilang pangulo sa panunungkulan ni Marquez hanggang Hunyo 2015 kasunod si Aguilar bilang pangulo hanggang Nobyembre 2016.

Ngunit nang sumapit ang Hunyo noong nakaraang taon ay hindi bumaba si Marquez kaya naobliga si Aguilar noong Nobyembre na lantarang hilingin sa harap ng mga kapwa nila kapitan na tuparin ang usapan.

Inamin man ni Marquez na totoo ang kasunduan sa term sharing ay nagmatigas pa kung kaya’t noong Disyembre ay mismong mga kasamahan na nila ang nagpatalsik kay Marquez.

“Wala nang dahilan para manatili si Jeremy sa puwesto. Bilang mga public servant dapat tumupad tayo sa usapan kasi kung ‘di tayo tutupad sa usapan, paano pa tayo paniniwalaan ng ating mga kababayan?’’ wika ng isa pang kapitan.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *