Friday , November 22 2024

Hinaing ng mga binagyo at biktima ni Nona sa Laoang Northern Samar

Nona LAOANGKA Jerry, hanggang ngayon ay wala pa rin kaming koryente sa Laoang, Northern Samar. Hindi namin alam kung kinalimutan na kami ng gobyerno. Para kaming lugar na walang ibang maaasahan kundi ang sarili namin. Kunsabagay, ganito talaga ang kalagayan namin dito, sarili lang ang dapat naming asahan. Pagkatapos ng eleksiyon, wala nang pakialam sa amin ang mga naluklok sa local government. Pero dahil sinalanta kami ng bagyong Nona, umasa kami na maaawa sa amin ang national government at kami ay sasaklolohan. Pero nagkamali kami. Pakiramdam namin ay natutulog ang mga diyos-diyosan sa bahaging ito ng bansa. Wala silang pakialam kahit walang bubong ang bahay ng mga tao rito, nataon pa na panay ang ulan kahit wala nang bagyo. Wala kaming mabilihan ng pagkain. Maging ang mga paaralan, simbahan at ospital ay sinalanta ng bagyo pero mukhang balewala ito sa mga awtoridad. Ang DSWD nagbibigay ng bigas, 2 kilo, 4 na kilo hanggang 5 kilo. Ang malungkot mayroon pang nakatanggap ng de latang sardinas na expired na at mabaho na ang  laman.

Sana ay makarating ito sa kinauukulan sa pamamagitan ng kolum ninyo Ka Jerry.

Sana naman ay magising ang palasyo at iba pang opisyal ng gobyerno para saklolohan kaming mga taga-Northern Samar.

Salamat po, Huwag nap o ninyong ilabas ang number ko.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *