TAPOS na ang termino ni Atty. Sixto Brillantes sa Commission on Elections (Comelec) pero nakapagtataka ang kanyang pag-epal, as if na awtoridad pa rin ang kanyang mga salita.
Sabi nga ng Palasyo, walang maitutulong ang mga espekulasyon ni Brillantes.
E kasi naman, nanakot pa si Brillantes na kung hindi raw maaaksiyonan agad ang disqualification case nina Senator Grace Poe at Mayor Digong Duterte, malamang na magkaroon ng gulo.
Minamadali ni Brillantes ang SC na aksiyonan na raw ang mga nakabinbing kas0 para maging malinaw ang situwasyon.
Kung makapag-demand naman si Brillantes parang napakaayos ng kanyang pamamalakad sa Comelec.
Hindi ba’t sandamakmak na gulo ang nangyari noong panahon niya?!
Ilang kandidato at party-list groups ba ang ‘ginulo’ noong panahon ng pagiging Comelec chairman niya?!
Ay sus!
Putok na putok ang 3-M division noong panahon ni Brillantes, huwag niyang kalilimutan ‘yan?!
Marami nga ang nakapansin na mula nang dumikit-dikit siya kay Sen. Grace ‘e minalas na ang anak ni Inday at ni Panday.
Mukhang si Brillantes ang malaking balat ng kamalasan sa political career ni Sen. Grace.
Umaasta pang nananakot na political analyst at naglalatag ng mga prediksiyon na walang basehan?!
Pumunta ka sa Quiapo, doon ka manghula!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com