Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Palasyo blanko sa naarestong 3 Pinoy sa Saudi

HINDI pa makompirma ng Malacañang ang napabalitang pagkakaaresto ng tatlong Filipino na sinasabing sangkot sa terorismo sa Saudi Arabia.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, kailangang maberipika muna ang nasabing report at wala pa silang kompirmasyon.

“Kailangan nating alamin ang correctness or validity of that report. Wala pa tayong kompirmasyon,” ani Coloma.

Magugunitang binitay kamakailan ng Saudi Arabia ang isang prominenteng cleric ng Iran na sangkot sa terorismo.

Ito ang naging mitsa ng tensiyon sa pagitan ng Iran at Saudi Arabia makaraang lusubin ng raliyista ang embahada ng Riyadh sa Tehran.

Pinulong kahapon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang mga opisyal sa gabinete para paghandaan ang posibleng paglala ng tensiyon sa Middle East upang matiyak ang kaligtasan ng nasa dalawang milyong Filipino.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …