Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Holdaper sugatan, 1 pa arestado sa parak

SUGATAN ang isang holdaper makaraang barilin ng humahabol na pulis habang arestado ang isa pang suspek matapos holdapin ang isang babaeng pasahero ng pampasaherong jeep sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Si Jasper Siguan, 32, residente sa Basa Compound, Zapote, Las Piñas City, ay tinamaan ng bala ng baril sa kanang kamay makaraang tangkaing barilin ang humahabol na pulis na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya.

Nakapiit na rin sa detention cell ng Caloocan City Police ang kasama ni Siguan na si Mark Basilio, 25, security guard, at naninirahan sa 2nd Avenue, BMBA Compound, Brgy. 120 ng lungsod.

Samantala, pinaghahanap ng mga awtoridad ang isa pang kasama ng mga suspek na kinilalang si alyas na Richard Balbon, mabilis na nakatakas.

Base sa nakalap na impormasyon sa Station Investigation Division (SID) ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong 1:30 a.m. sa Rizal Avenue Extension, 1st Avenue, Brgy. 120.

Sa ulat ng pulisya, sumakay sa isang pampasaherong jeep ang mga suspek papuntang MCU at pagsapit sa naturang lugar, biglang inilabas ni Siguan ang dalang baril saka sapilitang kinuha ang bag ng biktimang si Merlyn Tenedero, 20, waitress, ng Brgy. San Jose, Navotas City.

Ngunit nang makakita ng patrol car ang driver ng jeep ay mabilis na inihinto sa harap ang minamanehong sasakyan at humingi ng tulong sa mga pulis na sina PO2 Jayson Tan at PO1 Brando Corpuz.

Hinabol sila ng mga pulis at nang maabutan si Siguan ay tinangkang paputukan si PO2 Tan ngunit naunahan siyang barilin  sa kamay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …