Friday , November 15 2024

Doktor, nurse sinaksak ng injection needle ng ama (Pasyenteng sugatan ‘di agad naasikaso)

DAVAO CITY – Nakatakdang sampahan ng kaso ang isang lalaki na sumaksak sa isang doktor at nurse sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) gamit ang injection needle nang hindi agad naasikaso ang kanyang anak na naaksidente.

Kinilala ang suspek na si Jesus Manalo, 41, may asawa, laborer, residente sa Purok 2, Gravahan, Brgy. Matina Crossing sa lungsod.

Sa imbestigasyon ng Buhangin PNP, sinasabing gusto ng suspek na asikasuhin agad ang kanyang 9-anyos anak ngunit may ginagawa pa ang doktor na si Donna Jean Pojol Subaldo, doctor/clerk ng Emergency Room ng Trauma Surgery Department Station, at ang nurse na si Lea Pauya Elica, auxiliary nurse ng ER Section.

Nagalit ang suspek, kinuha sa mesa ang heringgilya at sinaksak sa leeg ang doktor at nurse.

Agad nahuli ng security guard ng ospital si Manalo at dinala sa Buhangin PNP.

Hindi muna nagbigay nang pahayag ang pamunuan ng ospital tungkol sa nasabing insidente.

Samantala, nasa maayos nang kalagayan ang doktor at nurse.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *