Friday , November 15 2024

Asthmatic, 2 patodas sa trike na sumalpok sa bus (Hindi makahinga itinakbo sa ospital)

CAUAYAN CITY, Isabela – Isinugod sa ospital ang isang lalaking maysakit para masagip ang buhay ngunit namatay din kasama ang kanyang misis at isa pang kamag-anak nang sumalpok sa bus ang sinasakyan nilang tricycle kamakalawa.

Biktima ang driver ng tricycle na si Bernardo Saguiped, 47-anyos, at ang mag-asawang Rosalinda at Ricardo Malapit, pawang residente sa Brgy. Flores, Naguilian.

Sugatan ang nakasakay sa likod ng driver na si Ernesto Duque, 45-anyos, residente rin sa Brgy. Flores, kapatid ni Rosalinda Malapit.

Sinabi ng driver ng Dalin Liner Bus (body number 722 at plate number BVC 211) na si Domingo Cabalonga, 58, residente ng San Fermin, Cauayan City, sinikap niyang iwasan ang tricycle ngunit nabangga pa rin niya.

Lumabas sa pagsisiyasat ng Naguilian Police Station, ang bus ay patungong Metro Manila habang patungo ang tricycle sa Lunsod ng Ilagan para dalhin sa Governor Faustino N. Dy Memorial Hospital si Ricardo Malapit dahil hindi makahinga sanhi ng pagsumpong ng kanyang sakit na asthma.

Nilampasan ng tricycle ang sinusundang sasakyan at umagaw ng linya kaya nasalpok ang kasalubong na bus.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *