Sunday , December 22 2024

25 mangingisda sa Surigao kalaboso sa Indonesia

BUTUAN CITY – Kinompirma ng dalawang barangay chairman ng Surigao City na umabot sa 25 mangingisda ang nakakulong ngayon sa Indonesia dahil sa illegal fishing.

Ayon kay Kapitan Josselyn Mantilla ng Brgy. Sabang, 15 sa nasabing bilang ay kanyang constituents habang ang 10 ay taga-Brgy. San Juan base na rin sa pagkompirma ni Brgy. Chairman Monina Caluna.

Sa salaysay ni Mantilla, ang nasabing mga mangingisda ay sakay ng MB RGJ Fishing vessel na umalis sa Surigao City noon pang Nobyembre 25 (2015) pero naaresto noong Disyembre 7 (2015) ng nagpatrolyang Coast Guard ng Sorong City, West Papua province sa nasabing bansa.

Kinilala ng Maritime Industry Authority (MARINA-Caraga) ang operator ng fishing vessel na si Gemma Navarro, residente ng Brgy. Togbongon.

Wala anilang naipakitang permit sa pangingisda sa karagatang sakop ng Indonesia ang mga Filipino at wala rin travel document.

Nakadetine ngayon sa Ministry of Marine Affairs and Fisheries sa Sorong ang mga mangingisdang sina Rodrigo Puno, kapitan ng sinakyang bangka; Jarewel Perjesa, machinist; at crew members na sina Cristobal Ilagan, Romeo Edradan, Edgar Gecozo, Ronald Buniel, Richard Cabero, Ruel Astronomo, Junnie Calundre, Joseph Calundre, Teresito Macabasag, Ronel Escultor, Roel Cabating, Alan Gucela, Jaime Govalanie, Homer Etac, Mansueto Abrao, Teodoro Dayagro Jr., Rolly Cabating, Rolando Bornea, Leopoldo Dadivas Jr., Efren Escultor, Nelson Arsaga, Jose Perjes at Max Gucela.

Patuloy na nagsasagawa ng koordinasyon ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR-Caraga), PNP Maritime-13, Philippine Coast Guard at MARINA kaugnay ng nasabing report.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *