Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

12 sugatan sa salpukan ng 2 DLTB sa Quezon

NAGA CITY – Sugatang isinugod sa ospital ang 12 pasahero makaraang magsalpukan ang dalawang bus sa Sariaya, Que-zon, 12:30 a.m. kahapon.

Ayon kay PO3 Andrew Radones, imbestigador ng Sariaya Municipal Police Station, naganap ang insidente nang mag-overtake ang bus mula sa Manila sa kapwa DLTB bus mula sa Bicol.

Nagkabasag-basag ang mga salamin ng unahang bahagi ng bus habang basag din ang mga salamin sa kanang bahagi ng isa pa.

Ani Radones, siyam katao sa unang behikulo ang sugatan habang tatlo sa isa pang bus.

Ginagamot na ang mga biktima sa ospital habang nasa proseso na rin ng pagbibigay ayuda ang kompanya ng bus.

Napag-alaman, nai-release na ang mga driver na sina Antonio Matias at Arman Vasquez dahil walang nagsampa ng reklamo sa mga pasaherong naospital.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …