Thursday , December 26 2024

MTPB bantay-huli imbes magmando ng trapiko (Sa kanto ng San Marcelino at Ayala Blvd.)

010716 mtpb driver license

GOOD am po Sir Jerry. Kahapon po ito nangyari, mayroong MTPB sa kanto ng San Marcelino at Ayala Boulevard. Hinuli po ako ng MTPB sa kanto ng San Marcelino at Ayala Boulevard (sa tapat ng Technological University of the Philippines), BEATING THE RED LIGHT ang ita-charge sa akin gayong nakakanan na ako mula sa Ayala Boulevard na GREEN LIGHT pa. Maayos akong nagpapaliwanag hanggang lapitan ako ng apat pang MTPB. Sinabi kong reviewhin nila ang CCTV. Sinagot ako na, “Kapag ini-review namin ang CCTV at tama kami, kukunin namin ang lisensya mo.” Sabi ko naman, kapag ini-review natin ang CCTV at kayo ang mali, anong mangyayari sa inyo? Sumagot ang LIMANG MTPB nang WALA. MTPB lang daw sila at nandoon sila sa kanilang puwesto para lang daw sa monitoring at hindi para magmando ng trapiko. Sana malinaw sa mga kagawad ng MTPB kung ano ang JOB DESCRIPTION nila nang hindi sila nakaaabala sa mga motorista. Halos sakop nila ang isang lane diyan sa tapat ng TUP kapag nakakumpol sila at doon pa ipina-park ang kanilang mga motor.

Hindi sila nakatutulong para lumuwag ang trapiko. Perhuwisyo sila sa mga motorista. Nagbabantay lang sila kung sino ang mahuhuli at hindi para lumuwag ang trapiko sa kalsada. Aba, mas mabuti palang buwagin na ‘yan kung hindi nila trabaho na magmando ng trapiko. Salamat po.

(Name and number withhold for security reasons)

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *