Sunday , December 22 2024

Doble dadalo sa traslacion ng Itim na Nazareno

INAASAHANG dodoble sa bilang noong nakaraang taon ang mga deboto at turista na dadalo sa parada ng Itim na Nazareno dahil nataon ito sa araw ng Sabado.

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic discipline head Crisanto Saruca, napaghandaan na nila ang nasabing bilang dahil magtatalaga na rin ng karagdagang mga personnel ang PNP at AFP para makontrol ang dami ng tao.

Nagpulong na rin ang MMDA at Manila District Traffic Enforcement (MDTEU) para mabigyan ng seguridad ang mga dadalo sa prusisyon na magsisimula sa Minor Basilica ng Black Nazarene sa Quiapo, Manila.

Inaasahang aabutin ng 14-16 oras ang parada na gaganapin sa busy commercial street ng lungsod.

Kinausap na rin nila ang ilang street vendors sa daraanan ng prusisyon ng Itim na Nazareno para hindi na sila maging sagabal sa daraanan ng mga deboto.

Sinabi pa ni Saruca, inaasahan na nila ang matinding bagal ng mga sasakyan dahil sa pagsara ng ilang mga kalsada na magsisimula ngayong araw hanggang Sabado.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *