Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Call center agent nagnakaw ng baby (Para ‘di iwan ng BF)

CEBU CITY – Inamin na ng suspek sa pagdukot ng sanggol sa ospital sa Cebu ang ginawang krimen.

Ayon kay Melissa Londres, call center agent, nagawa niya ang pagnanakaw ng sanggol para hindi siya iwan ng kanyang kasintahan na si Philip Winfred Almiria.

Isinalaysay niya na nakunan siya sa kanyang ipinagbubuntis at hindi niya ipinaalam sa kanyang nobyo para hindi siya tuluyang iwan.

Napag-alaman, hiniwalayan si Londres ng kanyang nobyo noong nagdadalantao siya ngunit nang maipakita niya ang kanyang kunwariang anak kay Almiria ay naayos daw ang kanilang relasyon.

Nabatid na nakatira ang suspek sa apartment na pagmamay-ari ni Almiria ngunit hindi sila nagsasama sa iisang bubong at bumibisita lamang si Almiria kay Londres.

Ngunit umuwi ang boyfriend nang malaman na nanganak na si Londres at pinangalanan pa nila ang bata na si Phil Winfred.

Sinabi ng suspek na nitong Lunes ay plinano na niyang magnakaw ng bata.

Una siyang pumunta sa Cebu Maternity Hospital ngunit natunugan siya roon kaya lumipat siya sa kalapit na ospital, ang Vicente Sotto Memorial Medical Center.

Doon inisip niya na kahit sinong bata na lang ang kanyang kukunin at natiyempohan ang newborn baby na si Prince Niño, anak nina Jayvee at Jonathan Celadinio.

Labis ngayon ang kanyang paghingi ng kapatawaran sa pamilya ng sanggol sa kanyang nagawang kasalanan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …