Saturday , December 28 2024

Una kay Trillanes kapakanan ng retiradong sundalo at pulis

082615 trillanes

SI Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ang pinakaklasikong halimbawa ng kasabihang, “Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan.”

Kaya hindi na bago sa atin ang pakiusap o apela niya kay PNoy na isama sa salary standardization law 4 (SSL4) ang mga retiradong sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at retiradong kagawad ng Philippine National Police (PNP).

Hindi ito ginagawa ni Sen. Trillanes dahil eleksiyon. Matagal na niyang panukala ito.

Katunayan siya ang pangunahing may-akda at isponsor ng Senate Bill No. 2671 o ang panukalang SSL4, sa ilalim ng kanyang orihinal na panukala sa Senado, ang pensiyon ng mga retiradong miyembro ng mga nasabing organisasyon ay tataas rin kasabay ng pagtaas ng sahod ng mga kawani ng gobyerno, alinsunod sa Presidential Decree 1638 at Republic Act No. 8551.

Ngunit sa bersiyon na itinutulak ng Malacañang, ang probisyong ito o tinatawag na indexation ng military pension, ay tinanggal dahil sa sinasabing matinding kakapusan sa budget ayon sa Department of Budget and Management (DBM).

Hindi ito naaprubahan ng Kongreso bago magsara ang sesyon noong Disyembre dahil sa magkaibang bersiyon na itinutulak ng bawat Kapulungan. Kasama ang pagtaas ng pensiyon ng mga retiradong miyembro sa bersiyon ng Senado, samantala ang bersiyon ng Malacañang naman ang itinutulak ng Mababang Kapulungan.

Inaasahan ni Trillanes na tututulan ng Malacañang na isama ang indexation provision sa SSL4, na maaaring mag-aantala sa agarang pagpa-patupad ng panukala at makaaapekto sa mga kawani ng gobyerno, kung kaya’t umaapela si Trillanes sa Pangulo.

Ayon sa magiting na Senador, “Naniniwala tayo na karapat-dapat lamang na isama ang mga retiradong miyembro ang AFP, PNP at ibang uniformed services sa batas na ito. Ibinuwis nila ang kanilang buhay para lamang maging ligtas ang ating bansa at matamasa natin ang demokrasya na nararanasan natin ngayon.”

Sa P3.002 trilyon national budget para sa 2016, P57.9 billion ay nakalaan para sa pagpapatupad ng unang bahagi ng SSL4. Karagdagang P9 bilyon ay kakailanganin para sa indexation ng mga retiradong sundalo at pulis sa unang taon ng pagpapatupad ng batas.

Naniniwala ang inyong lingkod na dapat nating suportahan ang apela ni Senator Trillanes sa Palasyo.       

Dapat iparamdam ng pamahalaan ang kanilang malasakit sa ating mga sundalo at pulis lalo na ‘yung nasa mabababang ranggo.

Alam nating mayroong mga scalawags, pero naniniwala tayo na mayroong mabubuting pulis na maging ang kanilang pamilya ay naisasakripisyo sa tawag ng tungkulin sa mamamayan.

Ang pakiusap ni Sen. Trillanes, “Sana ay makita ito ng Presidente sa aspetong ito dahil ang buhay at kapakanan ng mga retirado ay higit pa sa ano mang sinasabing dahilan ng kakulangan sa budget.”

Korek na may malaking tsek!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *