Sunday , December 22 2024

Senate probe sa ‘SAF 44’ muling bubuksan sa Jan. 25

SA mismong unang anibersaryo ng Mamasapano massacre, muling bubuksan ng Senado ang imbestigasyon kaugnay ng kontrobersiyal na pagkamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF).

Ayon kay Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs committee chairman, Senator Grace Poe, dakong 10 a.m. ng Enero 25 siya muling magpapatawag ng pagdinig sa isyung kinasasangkutan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na sinasabing responsable sa pagkamatay ng naturang SAF troopers.

Ikinagalak ni Poe ang go-signal ng Senate Committee on Rules na muling magsagawa ng pagdinig makaraang humirit si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile na muling buksan ang imbestigasyon dahil sa mga bagong development sa kaso.

Kasabay nito, tiniyak ng senadora na hindi maaapektuhan ang nilalaman ng nauna niyang committee report na nilagdaan ng 21 miyembro na tinukoy ang responsibilidad ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa pagkamatay ng SAF troopers.

Enero 25, 2015 nang maglunsad ng operasyon ang SAF troopers, target ang international terrorist na si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan sa Mamasapano Maguindanao, ngunit makaraang mapatay ang terorista ay nakasagupa nila ang MILF at iba pang armadong grupo at dahil sa kakulangan sa reinforcement ay umabot sa 44 miyembro ng SAF ang namatay sa labanan.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *