Sunday , December 22 2024

Investors takot manalo si Binay

NEGATIBO sa foreign investors kung sakaling manalo sa halalan si Vice President Jejomar Binay, ayon sa  Economist Intelligence Unit (EIU).

Ang EIU ay grupo para sa research and analysis ng Economist Group, ang naglalathala ng The Economist, isang batikan at respetadong magasin sa Asia.

Sa pag-aanalisa na tinawag nilang “Asia in 2016: Elections” na lumabas noong isang linggo, sinabi ng EIU na anim na bansa sa Asya-Pasipiko ay magkakaroon ng eleksiyon sa taon na ito, ngunit sa Taiwan at Filipinas lamang may pagkakataong magkaroon ng malaking pagbabago sa mga pamahalaan.

Sinabi ng EIU na habang may pagkakataon na manalo si VP Binay na tinawag nilang “populist” o pang-press release lamang ang mga polisiya, delikado raw ito.

“Should Binay win the presidential election, this would probably herald a period of increasingly nationalistic policy-making and a deterioration in investor sentiment,” ayon sa report. 

Nakasalalay daw sa eleksIyon na darating kung magpapatuloy ang magandang pamamalakad ng Daang Matuwid ni Pangulong Benigno S. Aquino III, na nakasentro sa pagpapaganda ng pagnenegosyo sa bansa at pagbabawas ng korupsiyon. 

“An impending change in administration raises risks of policy instability during the transition phase. During this phase, investment is likely to dip slightly,” ulat nila.

Ngayon pa lamang umano ay nagpreno na ang mga investor sa paglalagak ng pera dito dahil hindi sila sigurado kung matino at hindi corrupt ang magiging susunod na pangulo.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *