Monday , August 11 2025

Guro sa Leyte, patay sa saksak ng ex-BF (Sa labas ng classroom)

 

TACLOBAN CITY- Naglunsad na ng manhunt operation ang mga pulis ng Maasin City laban sa ex-boyfriend na suspek sa pagpatay sa isang guro sa labas mismo ng silid-aralan sa Libertad Elementary School kamakalawa.

Ayon kay Supt. Avelino B. Doncillo, hepe ng Maasin PNP, kinilala ang biktimang si Angelica Miole, 23, Grade 5 teacher at residente ng Brgy. Bactul II, sa nasabing siyudad.

Habang kinilala ang suspek at dating kasintahan ng biktima na si Jonathan Fernandez, 31, residente ng Brgy. Combado.

Ayon sa estudyante ng biktima na nakakita sa krimen, nagtuturo sa kanila ang nasabing guro nang dumating ang suspek at tinawag ang biktima.

Ngunit paglabas ng guro ay agad siyang sinaksak ng suspek hanggang sa mawalan ng malay.

Mabilis na nakatakas ang suspek gamit ang kanyang motorsiklo ngunit sa hindi kalayuan ay naaksidente kaya naiwan ang motorsiklo at kanyang bag pack.

Sa ngayon, hindi pa malaman kung ano ang motibo ng pananaksak at nagpapatuloy ang pagtugis sa suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Lito Lapid

Sen Lito nagpaliwanag boto sa impeachment case ni VP Sara

NANAWAGAN si Sen Lito Lapid na irespeto ang desisyon ng Supreme Court, magkaisa para sa katahimikan at …

JInggoy Estrada

Sen. Jinggoy pinangalanan
3 OPISYAL NG DPWH NA SANGKOT SA PAGGUHO NG ISABELA BRIDGE

TAHASANG tinukoy ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang tatlong opisyal ng Department of …

DOST Catfish Farming PDLs BJMP CDO City Jail

Hope Beneath the Surface: Catfish Farming Brings Livelihood and Rehabilitation to PDLs at BJMP CDO City Jail

A transformation is unfolding inside the walls of the BJMP Cagayan de Oro City Jail …

Laban Konsyumer Inc LKI Electricity

NEA binatikos ng konsyumer vs pagkokompara sa ‘di-patas na singil

BINATIKOS ng grupong Laban Konsyumer Inc. (LKI) ang National Electrification Administration (NEA) dahil sa anila’y …

BIR money

Bilyong piso nawawala sa gobyerno — BIR
AHENSIYA vs ILEGAL NA KALAKALAN DAPAT ITATAG —  NOGRALES

NANINIWALA si Philippine Tobacco Institute (PTI) President Jericho Nograles na kailangang bumuo ang pamahalaan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *