Tuesday , November 26 2024

Sen. Bongbong Marcos hinikayat si PNoy na lagdaan ang retirement benefits ng barangay officials

BBMISANG hindi malilimutang legacy ng kasalukuyang administrasyon kung malalagdaan ang Senate Bill No. 12 na naglalayong mabigyan ng retirement benefits ang mga kuwalipikadong barangay chairman, kasapi ng Sangguniang Barangay, ingat-yaman at kalihim, barangay tanod, kasapi ng Lupon ng Tagapamayapa gayon din ang mga health and day care workers.  

Kaya naman masugid ang panghihikayat ni Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., sa Pangulo na lagdaan na agad para maging ganap na batas ang panukalang inaprubahan kamakailan ng Kongreso para mabigyan ng retirement benefits ang mga Barangay Officials sa bansa.

Para sa kaalaman ng madla, si Sen. Marcos ang pangunahing may-akda ng panukalang inaprubahan sa Senado.

Sabi nga niya, “Tapos na kami sa Senado, tapos na sa House (of Representatives) so ang kailangan na lang ang pirma ng Presidente. Sana naman ay mapirmahan na para maging batas.” 

Kung mapipirmahan nga naman ngayon ang nasabing panukala mas mabilis na mararamdaman ng barangay officials ang mga benepisyong itinatakda sa nasabing batas.

Isinasaad sa panukala na bibigyan ng P100,000 retirement pay ang bawat kuwalipikadong barangay chairman; P80,000 para sa mga miyembro ng Sangguniang Barangay, at P50,000 para sa mga barangay treasurer, tanod, miyembro ng Lupon ng Tagapamayapa, at barangay health at day care workers.

Dapat umabot kahit 60 taon-gulang at nakapagsilbi nang hindi bababa sa 9 na taon ang isang opisyal ng barangay o barangay worker para maging kuwalipikadong tumanggap ng naturang benepisyo.

(By the way, sana hindi maisama sa benepisyong ito ang barangay officials na may mga illegal sa kanilang lugar gaya ng illegal terminal!)

 Base sa naturang batayan, tinataya ng National Barangay Operations Office ng Department of Interior and Local Government (DILG) na noong Hunyo 7, 2013 aabot sa 95,616 ang dami ng mga opisyal ng barangay na kuwalipikado para sa naturang retirement benefit.

 Tinatayang aabot sa P5.2 bilyon ang kailangang pondo para maibigay ang mga retirement benefit ng mga kuwalipikadong opisyal ng barangay at workers.

Naglalayon ang panukala na magkaroong ng Barangay Retirement Benefit Fund na paglalaanan ng pondo taon-taon ng perang katumbas ng isang porsyento ng kalahati ng National Governemt sa Internal Revenue Allotment (IRA).

 Ang DILG ang naatasan para hawakan ang pondo at siguruhin ang maayos na pagbibigay ng mga benepisyong nakalaan sa mga kuwalipikadong opisyal ng barangay at barangay workers.

Kapag naipatupad, malaking bagay ito sa barangay officials lalo na roon sa mga matagal nang nanunungkulan.

Ang barangay po ang pinakamababang yunit ng pamahalaan na daluyan ng mga serbisyo at patakaran ng pambansang pamahalaan. Kumbaga sila ang mga ‘legman’ para makarating sa mga mamamayan ang mga serbisyo ng pamahalaan.

Lalo na po ‘yung health and day care workers natin, araw-araw ay nagseserbisyo sila sa consti-tuents.

Sabi nga ni Senator Bongbong, “Hindi naman sapat na basta salita lamang at tapik sa balikat ang gagawin nating pagkilala sa kanilang dedikasyon sa kanilang tungkulin at kontribusyon sa pagsisilbi sa ating mga kababayan.”

 Sana naman ay maisama ang panukalang batas na ito sa mga prayoridad ng Palasyo.

Isang pirma na lang!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *