Friday , November 15 2024

P.1-M reward vs shooting suspect

MAGKAKALOOB ng P100,000 pabuya si Makati City Mayor Romulo ‘Kid’ Peña sa sino mang makapagtuturo sa pinaghahanap na barangay tanod na si Raymundo Liza.

Si Liza ang bumaril at nakapatay sa 7-anyos na si Mark Angelo “Macmac” Diego at kay Edward Pascual.

Sinabi ng alkalde, pag-uusapan pa lamang ng pamahalaan ang pinal na halaga ng pabuya, ngunit sa ngayon aniya ay P100,000 ang kanyang iaalok.

May mga impormasyon aniya silang natanggap na nasa Makati ang suspek, gayonman, may mga nagsasabing nakalayo.

Inaalam na rin aniya nila kung aktibo pa ang suspek sa barangay o suspendido o nadismis na. 

Inaaalim din kung lisensiyado ang kalibre .45 baril na ginamit ng suspek sa pamamaril. 

Pagtitiyak ni Peña, bagama’t Taguig ang may hurisdiksyon sa kaso, nakahanda silang tumulong para sa ikadarakip ng suspek.

Samantala, nakatakdang sampahan ng Philippine National Police-Taguig ng dalawang bilang ng murder si Liza.

Ayon kay Taguig chief of police, Senior Superintendent Arthur Felix Asis, hinihintay na lamang nila ang death certificate ng mga namatay upang maisampa ang reklamo.

Kahapon ang self-imposed deadline ng pulis para maaresto ang suspek.

Sa ngayon ay tatlong lugar ang sentro ng manhunt.

Nakikipag-ugnayan na rin ang Taguig-PNP sa South Cotabato-PNP dahil taga-Polomolok ang suspek. 

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *