Sunday , December 22 2024

3 justices nagbitiw sa kaso ni Poe

NAGBITIW na ang tatlong justices ng Supreme Court (SC) na bumoto pabor sa pagdedeklarang hindi ‘iligible’ si Sen. Grace Poe sa 2013 senatorial election.

Sa isang pahinang resolusyon ng high tribunal, nakasaad na nag-inhibit na sina Senior Associate Justice Antonio Carpio, Associate Justices Teresita Leonardo-De Castro at Arturo Brion na kapwa mga miyembro ng Senate Electoral Tribunal, mula sa kasong isinampa ng natalong senatorial candidate na si Rizalito David.

Ayon sa high tribunal court, wala nang magiging partisipasyon ang tatlong mga mahistrado makaraang maging bahagi na sila ng SET.

Una rito, nagpasa ng petisyon si David sa SC noong Disyembre 8 para bawiin ang November 17 SET decision na nagde-deklarang natural-born citizen si Poe ngunit pinagtibay pa rin ito ng SET noong Disyembre 3.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *