Sunday , December 22 2024

Higit 70K OFWs gagamit ng postal voting — Comelec

MAGPAPATUPAD ng postal voting ang Commission on Elections (Comelec) para sa mahigit 70,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) na nais bomoto sa 2016 elections.

Batay sa Comelec data, kabuuang 75,363 voters ang maaaring bomoto sa 26 embassies o post sa mga tukoy na bansa.

Ito ay kinabibilangan ng Lisbon (European Region); Bangkok, Brunei, Chongqing, Dhaka, Dili, Guangzou, Islamabad, Jakarta, Macau, Manado, Meco Kaohsiung, Meco Taichung, Meco Taipei, New Delhi, Phnom Penh, Shanghai, Vientiane, at Xiamen (Asia Pacific Region); Abuja, Amman, Cairo, Muscat, Nairobi, Pretoria, and Tehran (Middle East and African Region).

Sa kabilang dako, kabuuang 1.1 million voters para sa Overseas Absentee Voting (OAV) mula sa 30 posts partikular sa North at Latin America, Europe, Asia Pacific, at Middle East, ang gagamit ng automated election system sa pamamagitan ng Voter Counting Machines (VCM).

Ang OAV voters ay boboto lamang para sa posisyon ng president, vice president, senators, at party-list group.

Magsisimula ang botohan sa Abril 9 hanggang Mayo 9, 2016.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *