Friday , November 15 2024

Bus firm sinuspinde sa aksidente

NAGA CITY – Pinatawan agad ng preventive suspension ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Raymond bus company na nasangkot sa aksidente sa Quezon province kamakalawa ng madaling araw.

Ayon kay Insp. Dina Rendellion, naalis na nila mula sa sinalpok na restaurant ang bus upang hindi makaapekto sa daloy ng mga sasakyan sa lugar.

Nakatakdang kasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide, multiple physical injuries and damage to properties ang driver na si Leandro Dequito.

Umakyat na sa 42 ang sugatan sa insidente na pawang pasahero ng bus.

Nananatili pa sa punerarya ang bangkay ng 19-anyos biktimang si Jessa Estimo, empleyado ng retaurant, binawian ng buhay sa insidente.

Una rito, nag-overtake ang bus sa isang sasakyan sa palikong kalsada sa bayan ng Sariaya na naging daan upang mawala ito sa direksyon hanggang tumagilid at sumalpok sa naturang establisyemento.

Tiniyak ng pamunuan ng Raymond Transportation ang tulong sa mga biktima ng insidente.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *