Saturday , November 23 2024

‘Boy Laglag’ tatak ba talaga ni Sen. Chiz Escudero?

021615 chiz heartHINDI pa siguro nalilimutan ng sambayanan nang sabihin noong 2010 elections ni Sen. Chiz Escudero na: “Ang vice president ko ay may B!”

Kaya nang manalong vice president si dating Makati mayor Jejomar Binay, agad tumatak sa isip ng mamamayan, trinabaho at inilaglag ni Chiz si Mar Roxas — ang vice president noon ni PNoy.

Tumatak na ang pangyayaring iyon sa kasaysayan ng politika sa bansa.

And history always repeat itself ba?

Mukhang maagang mauulit ang kasaysayan. Tila mangyayari ito sa kandidatura ng tandem ni Chiz na si Sen. Grace Poe — ang kanyang presidente.

Dalawang beses na ngayong nakatitikim ng disqualification si Sen. Grace sa Commission on Elections (Comelec).

Una, sa 2nd Division nang katigan ang petisyon na kumukuwestiyon sa panahon ng kanyang paninirahan sa bansa para makuwalipika sa pagtakbong presidente ng bansa.

Ikalawa sa En Banc, nang katigan naman ang petisyon na si Sen. Grace ay hindi maituturing na natural born citizen.

Nakakuha ng temporary restraining order (TRO) sa Supreme court si Sen. Grace para sa dalawang resolusyon ng Comelec kaya mukhang kasama pa rin ang kanyang pangalan sa iiimprentang balota para sa eleksiyon sa Mayo 2016.

‘Yan ay kung hindi agad madedesisyonan ng Supreme Court ang ihahaing apela ng kampo ni Sen. Grace.

Pero sa totoo lang, marami nang supporters ni Sen. Grace ang umiiyak sa nangyayari sa kandidatura ng kanilang idolo.

Mauulit na naman ba ang pag-abandona sa mga Poe?!

Isa sa mga grupong nag-iisip nang ganito ang nagpapakilalang Philippine Crusaders for Justice (PCJ) na tinawag si Chiz na ‘AHASCUDERO’ at ‘BOY LAGLAG.’

Anila, wala nang ibang puwedeng sisihin sa dilemma na kinakaharap ni Sen. Grace kundi si ‘Ahascudero.’

Pilit kasi umanong ibinuyo ni Chiz si Sen. Grace na tumakbong presidente para hindi niya makalaban bilang vice president.

Kapag nagkataon nga naman kasi, tiyak ilalampaso siya ni Sen. Grace sa vice presidential race.

Nang mapagtagumpayan umano ni Chiz na makuha si Grace, nawala ang banta sa kanyang inaasam na puwesto – ang vice presidency, bukod pa sa nahatak paitaas ng popular na anak ni FPJ ang kanyang kandidatura.

Wais naman talaga!?

Kaya naman nag-rally ang PCJ sa Supreme Court at nakikiusap sila na baliktarin ang desis-yon ng Comelec dahil kung hindi, tiyak na pasok na pasok ang plano umano ni Escudero para sa kanyang pansariling interes.

Hindi na nga naman kailangan ng bansa ang isa pang ‘lider’ na sarili lamang ang iniisip.

Wala raw maiiwan, pero siya ang unang nang-iiwan.

Kung tuluyang madidiskuwalipika si Sen. Grace, malaki umano ang tsansa na lumapit si Chiz kay United Nationalist Alliance (UNA) standard bearer Vice President Jejomar Binay na sinuportahan niya noong 2010 polls. 

Sa hina ng kandidatura ni Senator Gringo Honasan, malamang mag-give way siya sa kapwa Bicolanong si Chiz.

Bombastic ka talaga Boy Laglag!

Nalimutan na ba ng sambayanan na ang Noynoy-Mar ay biglang naging NoyBi kay Chiz?!

Ang sagot ng PCJ: “Ahascudero! ‘Wag pagkatiwalaan!”

Kayo mga suki, ano sa inyong palagay?!

I-text lang po sa inyong lingkod kung hindi kayo mapalagay!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *