Sunday , December 22 2024

Black Nazarene feast pinaghahandaan ng MPD

NAGHAHANDA na ang mga miyembro ng pulisya sa ipatutupad na seguridad para sa libo-libong deboto na daragsa sa Quiapo, Maynila sa paggunita sa pista ng Itim na Nazareno sa Sabado.

Sinabi ni Manila Police District (MPD) Operations and Plans Division chief Lucile Faycho, binuo ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang Task Force Nazareno para sa nasabing okasyon.

Habang tutulong ang Army, Department of Health (DoH), Philippine Red Cross (PRC), at Bureau of Fire Protection (BFP) sa pagpapanatili ng kaayusan sa paligid ng Basilica Minore para sa gaganaping Traslacion.

Sinabi ni Faycho, ilang kalsada ang isasara para sa pista ng Nazareno, kabilang ang dalawang lane sa Roxas at Quezon boulevards, Palanca at Dasmariñas streets, at Quezon, McArthur at Jones bridges.

Payo ng pulisya, makabubuting huwag nang dumalo ang mga maysakit at matatanda sa prusisyon.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *