Wednesday , April 8 2026

Yearly Archives: 2015

Immigration official na mahilig sa dirty text na-wrong sent!

YUCKIE so kadiri!!! ‘Yan daw ang reaksiyon ng isang empleyado sa isang Immigration official diyan sa Bureau of Immigration (BI) main office. Dahil sa wrong sent message na ‘yan, nabisto tuloy na hindi lang pala mainit ang libido ni Immigration official kundi mahilig din pala sa DIRTY TEXT as in parang ‘words of endearment’ niya ito sa kanyang bagong ‘lovey-dovey, …

Read More »

Kung palpak ang PNoy gov’t palpak din si VP Binay

MATAPOS bumulusok sa Pulse Asia at Social Weather Station (SWS) surveys, gustong makakuha ni Vice President Jejomar Binay ng simpatya sa masa kaya nagbitiw na sa mga posisyon sa pamahalaang Aquino. Sa sobrang galit, tinawag niyang “palpak” ang gobyernong limang taon niyang nasamantala para makapangampanya o makapag-ikot sa buong Pilipinas sa ambisyong maluklok sa Malakanyang. Parang hindi abogado kung mag-isip, …

Read More »

PhilHealth sinasamantala ng private hospitals

NAGHAHANDA na ang Senado para sa matinding pagbusisi sa sinasabing pagsasamantala ng ilang pribadong ospital at klinika sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth). Ito ang pahayag ni Senator Teofisto Guingona III, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, bunsod ng mga ulat na may nagaganap na anomalya sa pangongolekta ng ilang pagamutan sa PhilHealth. Sangkot sa anomalya ang aabot sa P2 …

Read More »

Human Rights Champion durog sa cement mixer

NAGWAKAS sa trahedya ang buhay ng isang kilalang anti-Marcos activist, human rights at community  worker nang mabundol at magulungan ng rumaragasang cement mixer sa madilim na bahagi ng Quirino Highway sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Namatay habang ginagamot sa East Avenue Medical Center ang biktimang si Edgardo Buenaventura, 63-anyos, residente ng GK2 Akle St., Amparo Subdivision, Brgy. 179 ng …

Read More »

Bakit ngayon lang Jojo?

GANITO ang tanong ng marami nang magbitiw si Vice President Jojo Binay at magpakawala nang kaliwa’t kanang banat laban sa administrasyong Aquino na mahigit limang taon din niyang pinakinabangan. ‘Manhid at palpak’ ang matatalas na deskripsyon na ibinigay ni Binay patungkol sa administrasyong Aquino. Anong lakas ng loob meron itong si Binay na sabihin ang mga binitiwang salita laban sa …

Read More »

P14-B insentibo para sa guro, personnel inihanda na ng DepEd

MALAPIT nang matanggap ng kwalipikadong mga guro at personnel ng Department of Education (DepEd) ang kanilang productivity enhancement incentive (PEI) na katumbas ng isang buwan sahod. Sinabi ng Department of Education, inilabas na ng Department of Budget and Management ang P14 bilyon para sa PEI “Eligible DepEd employees shall receive a one-time PEI equivalent to one month basic salary, pursuant …

Read More »

Pinoy words kasama na sa Oxford English Dictionary

NAISAMA na sa English Dictionary ang mga salitang “barkada, balikbayan at presidentiable.” Ito ay makaraan ianunsiyo ng Oxford English Dictionary na ang nasabing mga salita kasama ang iba pang mga salita ay isinama sa bago nilang listahan. Ang ilang common english na salita gaya ng gimmick, estafa barkada, at carnap ay isinama dahil sa palagiang ginagamit ito. Paliwanag ng Oxford …

Read More »

Caddy tigbak sa pulubi

PATAY ang isang 50-anyos golf caddy nang pagsasaksakin makaraan akusahang nagnakaw at minolestiya ang mga babaeng natutulog sa labas ng isang convenience store sa Intramuros, Maynila kamakalawa. Binawian ng buhay habang dinadala sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Orlando Buntilao, stay-in caddy sa Club Intramuros Golf Course sa Bonifacio Drive, Port Area, Manila. Habang inaalam pa ang pagkakakilanlan …

Read More »

3 bata nalitson sa Zambo fire

ZAMBOANGA CITY – Binawian ng buhay ang tatlong bata makaraan masunog ang kanilang bahay sa lungsod na ito nitong Miyerkoles ng gabi. Ayon sa ulat ng pulisya, natupok ang isang bahay sa Brgy.  Tictapul dakong 9:15 p.m. na ikinamatay ng mga biktimang sina Abdulazis Tunga, 12; Abdulatip, 10; at Alih, 8. Sinabi ni Inspector Salvador Galvez, Zamboanga City police station …

Read More »

Textmate na dalagita tinurbo ng 2 obrero

DAGUPAN CITY – Arestado ang dalawang construction worker na gumahasa sa kanilang textmate na dalagita sa bayan ng Pozorrubio sa lalawigan ng Pangasinan kamakalawa. Napag-alaman, binabantayan ng biktimang itinago sa pangalang Nene, ang maysakit niyang ina nang i-text siya ng suspek na si Jericho Garcia, 18, residente sa lalawigan ng Nueva Ecija at niyayang maglakad-lakad. Agad sumakay sa motorsiklo ang …

Read More »

Pan-Buhay: Kayamanang tunay

“Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito’y may naninirang insekto at kalawang, at may nakakapasok na magnanakaw. Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo’y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw. Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroon din ang iyong puso. “ Mateo 6: 19-21 Lahat marahil tayo ay naghahangad …

Read More »

Feng Shui: Lumayo sa transformer

  KUNG posible, ipwesto nang may distansiya ang transformer: ilang equipment (katulad ng laptop computer) ang may remote transformer, kaya maaari mong ilayo mula sa iyo, bagama’t ang iba pang equipment ay kaya mong abutin. Ayusin ang workplace upang ang equipment na naglalabas ng EMF ay nakalayo sa iyo hangga’t maaari. Ikaw ay nasa higit na panganib kapag tulog, kaya …

Read More »

Ang Zodiac Mo (June 25, 2015)

Aries (April 18-May 13) Tama ang naging hakbang mo sa butas na ito. Ngayo’y kailangan mong umakyat upang makalabas dito. Taurus (May 13-June 21) ) Panatilihing simple ang iyong komunikasyon. Sumulat ng tula at huwag ng epic. Gemini (June 21-July 20) Mainam at mayroon kang mapagpipilian. Ngunit minsan, kailangan mong tanggihan ang ilang opsyon. Cancer (July 20-Aug. 10) Ang sagabal …

Read More »

A Dyok a Day: Milyonaryo sa pustahan

  Inimbitahan ng isang imbestigador sa opisina ng NBI si Juan na walang trabaho pero buhay-milyonaryo. Dumating si Juan kasama ang kanyang abogado sa NBI. Imbestigador: Juan, ipinatawag ka namin dito dahil naghihinala kaming isa kang drug trafficker at lider ng isang sindikato dahil nakapagtatakang namumuhay kang mil-yonaryo gayong ikaw ay walang tinapos at walang trabaho. Gusto naming malaman kung …

Read More »

Kangaroo kakasa kay Mayweather Jr.

  PINANINIWALAANG ito na ang katapat ni pound-for-pound king at world flyweight champion Floyd Mayweather Jr.—isang 14-stone kangaroo na handang makipagsagupaan kahit kanino! At may dahilan kung bakit ito ang paniniwala ng maraming mga taga-Australia ukol sa sino ang makatatalo sa undefeated American boxer. Ang pambatong kangaroo ay may taas na 6 na talampakan, tumitimbang ng 14 stone, at handang-handang …

Read More »

SEAG gold medalist Claire Adorna: ‘Ano’ng course mo sa UP?’

  SA likod ng pagiging triathlon gold medalist sa katatapos pa lang na 28th edition ng Southeast Asian games sa Singapore, napatanuyang ordinaryong nilalang din tulad natin si Claire Adorna sa kanyang mga kasagutan sa ilang mga katanungang ibinato sa kanya ng mga netizen bago tumulak sa Taiwan para lumahok sa isa pang pandaigdigang kompetisyon. Tobal Frnandz: Ano course mo …

Read More »

Reyes, Alapag tutuklas ng mga bagong players

MAGSASANIB sina dating Gilas Pilipinas head coach Vincent “Chot” Reyes at ang kanyang pambatong point guard sa national team na si Jimmy Alapag sa pagtuklas ng mga batang manlalaro mula sa iba’t ibang mga lungsod sa Pilipinas upang maging mga susunod na superstars ng basketball sa bansa. Sa tulong ng sikat na sapatos na Nike, inilunsad nina Reyes at Alapag …

Read More »

Angas ni Lee sinandalan ng RoS

UMANGAT ang Rain or Shine sa sa third spot ng team standing pagkatapos ng kanilang 11-game eliminations round ng PBA Governors’ Cup dahil sa angas ng laro ni point guard Paul Lee. Hindi nagpaawat sa pagpapakita ng tikas ang tinaguriang “Angas ng Tondo” na si Lee matapos mag average ng 16.0 points at 5.5 rebounds sa huling dalawang importanteng laro …

Read More »

Game Three

BAKBAKANG umaatikabo ang inaasahan sa pagitan ng Café France at Hapee Toothpaste na magtutunggali sa winner-take-all Game Three ng Finals ng PBA D-Leage mamayang 3 pm sa Ynares Arena sa Pasig City. Naungusan ng Bakers ang Fresh Fighters, 76-70 sa Game Two noong Lunes upang mapuwersa ang rubber match. Ang Café France ang kauna-unahang koponan sa kasaysayan ng D-League na …

Read More »

PBB teen housemate Bailey, pinagkaguluhan agad ng fans

MAKATAS – Timmy Basil .  UMULAN man noong Sabado ng gabi, matagumpay naming naipakilala ang pitong teen housemates sa Bahay Ni Kuya. Madali silang tandaan dahil iba-iba ang kanilang hitsura at personalidad. Unang ipinakilala si Ryan ng Cebu na sa murang gulang ay hindi na niya itinatago ang sariling pagkatao—ang pagiging beki. Gandang-ganda naman kami sa Bikolanang si Barbie na …

Read More »

Tiyan ni Bianca, halata na

MAKATAS – Timmy Basil .  SAMANTALA, halatang-halata na ang pagbubuntis ni Bianca Gonzales nang muli itong makita sa telebisyon sa unang araw ng PBB 737 na sabay-sabay ang pag-welcome nina Bianca, Robi Domingo, at Toni Gonzaga sa bagets na housemates. Last year ikinasal sa Palawan sina Bianca at JC Intal at heto’t nagbunga na ang kanilang pagmamhalan. Sa tantiya ko, …

Read More »

GMA, takot bigyan ng malaking project si Nora

  HATAWAN – Ed de Leon .  AKALA namin isang malaking produksiyon na iyong ipinagmamalaki pa ng mga taga-Channel 7 na may gagawing drama sa kanila si Nora Aunor, kasama ang anak na si Lotlot at ang apo niyang si Janine Gutierrez. Iyon pala isang episode lamang sa isang early afternoon weekly anthology. Akala namin naglakas loob na sila, hindi …

Read More »

Miss World Philippines Valerie, desmayado rin sa MRT

  HATAWAN – Ed de Leon .  ISIPIN ninyo, pati ang naging Miss World Philippines 2014 na si Valerie Weigmann hindi na napigil ang pagpapahayag ng pagkadesmaya sa MRT. Inilabas niya iyan sa kanyang social networking account. Siguro nga hindi naman sumasakay talaga sa MRT si Valerie, pero madikit din kasi iyan sa masa dahil kung natatandaan ninyo, may panahong …

Read More »