Saturday , December 28 2024

Congratulations Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach!

Miss UBAGO magwakas ang 2015 ‘e humabol pa ng buenas ang ating Bb. Pilipinas na si Ms. Pia Alonzo Wurtzbach na nanalong Miss Universe sa Las Vegas, Nevada (USA).

Siya ang ikatlong Miss Universe ng Filipinas, kasunod nina Ms. Gloria Diaz at Ms. Margie Moran-Floirendo.

Halos apat na minuto rin nawala ang korona kay Pia dahil nagkamali ang host na si US comedian Steve Harvey nang unang banggitin na si Miss Colombia Ariadna Gutierrez ang nagwaging Miss Universe gayong ang nasa card ay si Miss Philippines.

Agad naman humingi ng paumanhin si Harvey at inako ang responsibilidad sa pagkakamali. Kaya agad ding naiputong ang korona kay Ms. Pia.

Paborito nang lahat si Pia dahil sabi nga mismo ng audience, “She is beauty and brainy.”

Matapang ding ikinampanya ni Pia ang kanyang adbokasiya tungkol sa HIV.

Sabi nga niya… “I want to show the world, the universe rather, that I am confidently beautiful with a heart.”

Iba talaga ang Pinay… maganda, elegante at matalino.

At ibang klase rin magamahal…

Kaya siguro maging si PNoy ay nahumaling kay Miss Pia.

Nagpapasalamat din nga pala tayo sa mga kababayan natin sa buong mundo na sumuporta at bumoto kay Pia dahil siya ang nanalo sa Global Fan Vote.

Sa mga kababayan natin sa Gabriela, hinay-hinay lang, pwede n’yo naman sigurong sulatan si Ms. Pia para ipaliwanag sa kanya ang isyu ng US military bases.

O kaya naman hamunin ninyo ng public debate.

Huwag n’yo siyang awayin sa social media. Kasi hindi naman siya uupo lang sa buong maghapon para sagutin nang sagutin ang mga upak ninyo sa kanya.

Baka mas maliliwanagan pa niya ang isyu kung makikipag-usap kayo nang maayos.

Huwag n’yo siyang husgahan sa social media. Muntik na ngang maagawan ng korona ‘e.               

‘Yun lang.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *