NAKATUTUWA si Sen. Nancy Binay dahil updated siya sa mga nangyayari sa showbiz. Aminado siya na talagang binabasa niya pati ang entertainment page. Aware si Sen. Binay na may tatlong grupo ang entertainment press, ang PMPC na nasa likod ng Star Awards for Movies, TV and Music, ang ENPRESS, at pati ang katatatag pa lang na SPEED o Society of Philippine Entertainment Editors na ang ating patnugot na si Maricris Valdez- Nicasio ay hinirang na Assistant Treasurer sa samahan.
At matandain si Sen. Binay sa mga name ng mga reporter na kanyang nakakasalamuha.
Dalawang beses na namin siyang nakapiling, last year at ngayong taong ito at parehong sa Coconut Palace namin siya nakakasama.
Bago kami kumunta ay dumating si Vice President Jojo Binay at nagbiro pa itong last na raw naming pangangaroling iyon at sa susunod na taon ay sa Malacanang na.
Busy si Vice President that day dahil sa poolside ay Christmas party din ng kanyang staff.
Halatang pagod siya pero nang hingan siya ng kaunting pananalita ay ang concern daw talaga niya ay ang lumalalang climate change na nararanasan ngayon sa buong mundo.
MAKATAS – Timmy Basil