Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P100-M shabu nakompiska sa 2 courier

DALAWANG miyembro ng international drug syndicate ang bumagsak sa kamay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) makaraang makompiskahan ng P100 milyon halaga ng ilegal na droga sa magkahiwalay na buy–bust operation sa Metro Manila, iniulat kahapon.

Base sa report ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac Jr., kinilala ang arestadong mga suspek na si Reyniel Diaz Makahidhid, 24, ng Purok 1 Barobo, Surigao Del Sur, at ang Chinese National na si Chin Chiu Chien Chun, pansamantalang naninirahan sa Pasay City.

Si Mahidhid ay nasukol dakong 2 p.m. nitong Disyembre 13, 2015 sa parking lot ng isang mall sa FTI Taguig City, ng mga operatiba ng  PDEA Special Enforcement Service (PDEA-SES) sa pamumuno ni Director Ismael Fajardo, Jr., at PNP-Special Operations Unit-3 Anti-Illegal Drugs Group (AIDG).

Nakuha mula sa silver Nissan ni Mahidhid ang 9 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P45 milyon, 1 mobile phone, mga ID, mga dokumento at 1 kilo ng shabu na ibinenta sa poseur buyer, na ang street value  ay P5 milyon.

Makalipas ang tatlong oras, sumalakay ang nasabing mga awtoridad sa Mall of Asia sa kanto ng Diokno St., at Coral Way sa Pasay City at doon natimbog ang dayuhang  si Chun.

Sa buy–bust operation, nakuha ng mga operatiba sa sasakyang black Chevrolet Tahoe wagon ni Chun, alyas Qui Jan Jiun, ang 10 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P50 milyon, one black pouch bag na naglalaman ng assorted mobile phones, keys, cellular SIMs at load cards.

Sina Mahidhid at Chun ay nakadetine ngayon sa PDEA Detention cell makaraang sampahan ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) and Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act 9165.

Almar Danguilan/Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …