Sunday , December 22 2024

Armas, bala nakompiska sa gun raid sa Agusan Norte

BUTUAN CITY – Pinaghahanap ang isang babae makaraang makuha sa kanyang bahay ang iba’t ibang uri ng armas at daan-daang mga bala ng short at long firearms sa operasyon ng pulisya sa Cabadbaran City, Agusan del Norte, at mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Surigao del Sur kamakalawa.

Ang naturang mga armas at mga bala ay narekober sa dalawang bahay ng subject person na si Judith Ong-o Pantangco, residente ng Purok 3, Brgy. Cumagascas, Cabadbaran City.

Ayon kay Chief Insp. Gregorio Cuevas Jr., provincial officer ng CIDG-Surigao del Sur, kasama sa kanilang nakuha mula sa sinalakay na mga bahay ng suspek ang isang tig-iisang 30M1 rifle, 9mm automatic rifle, caliber 22. revolver, M16 armalite rifle, A2 caliber 556, carbine rifle, 12-gauge shotgun, at ang daan-daan rounds ng bala ng iba’t ibang uri ng long at short firearms.

Dagdag ng opisyal, matagal-tagal din nilang isinailalim sa surveillance ang suspek dahil sa paglabag sa Republic Act 10591, siyang basehan sa ipinalabas na search warrant ni Judge Sael Paderangga – presiding judge ng Branch 34, RTC, 10th Judicial Region.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *