Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Piyansa ni Palparan ibinasura ng korte

IBINASURA ng Malolos Regional Trial Court kamakalawa ang hirit ni retired Army General Jovito Palparan na makapagpiyansa para sa kasong illegal detention at kidnapping.

Si Palparan ang itinuturong nasa likod ng pagkawala ng dalawang estudyante ng University of the Philippines na sina Karen Empeño at Sheryln Cadapan noong 2006.

Dinukot sina Empeño at Cadapan ng mga sundalo sa isang farmhouse sa Hagonoy, Bulacan.

Sinabi ng korte, malakas ang ebidensiya laban kay Palparan kaya hindi mapagbigyan ang kahi-lingan na makapagpiyansa ang akusado.

“He exercises direct authority, full control and responsibility of command over all uniformed men and civilian personnel stationed at the 7th Infantry Division,” pahayag ng korte.

Nitong Hulyo lamang ay isinakdal din ng Office of the Ombudsman si Palparan at walo pa dahil sa pagkawala ng da-lawang magsasaka sa Bulacan din noong 2006.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …