Kumusta na kaya ang kaso ng dalawang Immigration Officer (IO) na sina IO Ma. Angelica De Pedro at Head Supervisor ng Clark International Airport (CIA) na si Elsie Lucero?
Kung matatandaan po ninyo, ang dalawa ay sinampahan ng kaso sa Ombudsman dahil sa paglabag sa Article XI, Sec. 12 ng Philippine Constitution at Article 171 ng Revised Penal Code at RA 6713 or Code of conduct and Ethical Standards of public official matapos madiskubre na nagkaroon ng ommission and falsification sa Daily Time Record nitong si IO De Pedro habang ang tumatayong Deputy Head Supervisor noon diyan sa CIA ay si Lucero.
Parehong inireklamo ng mga empleyado ng CIA sina IO De Pedro at IO Lucero na noon ay Head Supervisor sa nasabing airport.
Ngayon ay back to BI Commissioner’s office ni Mison itong si De Pedro at sa NAIA naman si Lucero, pero parang biglang tumahimik ang kaso ng dalawa at hindi na ‘ata napagtuunan ng pansin ng Ombudsman!?
Bakit kaya?
Wala kayang kinalaman si Datu Puti sa pangyayaring ito?
Itanong kaya natin kay Ateh ‘este Atty. Roy Ledesma?
Ombudsman Conchita Carpio Morales, pakitingnan nga ho ang case folder ng dalawa at baka masyadong napailalim na sa mesa ninyo!?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com