Maligayang Bayad with Expresspay
Hataw News Team
December 16, 2015
News
ANG pagbabayad ng mga singilin ay problema ng bawat pamilya o indibidwal bunga na rin sa mahaba ang pila, sopresang surcharge at malaking abala kapag panahon ng pista opisyal o holiday season.
Ngayong parating ang Pasko, kakailanganin ng bawat isa na makapag-save ng kanilang pera pambili ng mga regalo at Noche Buena habang ilan sa mga inaaak ang nag-aabang naman ng kanilang Aguinaldo.
Dahil dito, nais ngayon ng Expresspay na magpatupad ng sarili nitong bersyon ng pagbibigay ng Aguinaldo sa kanilang mga consumer sa pamamagitan ng bago nitong promo na ‘Balik P5 kada bill.
Simula sa buwan na ito hanggang Pebrero sa susunod na taon ang Expresspay ay magbibigay sa kanilang mga customer ng isang voucher gift P5 para sa bawat bill na kanilang binayaran saan mang sangay upang kahit paano ay maging sulit ang pinagpaguran na kinikitang pera.
Ang nasabing voucher ay may-bisa nang isang taon mula sa petsa na kanilang makukuha at magagamit ito para sa alinmang serbisyo ng Expresspay gaya ng money transfer at courier service at maaari rin gamitin upang ibawas mula sa susunod na bill at pwede rin ipambili sa kanila ng prepaid load.
“Pay your bills at ExpressPay and redeem your vouchers, just in time for Christmas. ‘Tis the season for giving, after all, and this move is our way to give back to our customers, for their loyalty which has allowed the center to constantly branch out and expand its offerings to communities all over the Philippines,” ani ExpressPay Marketing Director David Mascenon.
Ang kompanya ay naitatag noong 2011 at mayroon nang 800 branches nationwide na may layunin na makapagbigay nang mahusay na serbisyo, ligtas na pagbabayad, makatuwirang services payment sa publiko.
Kamakailan lamang ay nanalo sa Golden Globe Annual Awards for Business Excellence 2015 ang kompanya bilang “Best Payment Center Franchise” bunsod na rin sa pagtataglay nito ng pinakamahusay na serbisyo sa nabanggit na industriya.
Para sa karagdagang impormasyon sa naturang promo maaaring bumisita sa Balik P5 Kada Bill sa ExpressPay page on Facebook o sa kanilang official website na www.serbisyongexpresspay.com. (JS)