Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

INC global na ngayon (Dahil sa pakikiisa ng mga kapatid sa Pangasiwaan)

1216 FRONTANG Iglesiang umusbong sa Filipinas noong 1914, yakap na ng mundo ngayon.

Ganito ang pagsasalarawan ng tagapagsalita ng Iglesia ni Cristo (INC) na si Edwil Zabala kasabay ng pagbubunyag nitong Martes na umaabot na sa 64 kapilya sa ibayong dagat ang napasinayaan sa ilalim ng panunungkulan ni INC Executive Minister Eduardo V. Manalo dahil sa suporta ng mga miyembro ng Iglesia mula sa mahigit 100 bansa.

“Mula nang manungkulan si Ka Eduardo bilang pinuno ng Iglesia noong Setyembre 2009, 64 kapilya na ang naitatag sa 12 bansang nasa apat na kontinente – kumbaga’y isang kapilya sa bawat buwan ng kanyang paninilbihan bilang Executive Minister,” ayon kay Zabala.

“Sa Estados Unidos pa lamang, tatlumpo’t pitong kapilya ang naipatayo. Para sa Iglesia, simula lamang ito,” dagdag ng ministro.  

Mula Setyembre 2009, isa-isang umusbong ang mga kapilya sa Australia, Canada, Denmark, Germany, Greece, Malaysia, The Netherlands, Japan, South Korea, Spain, The United Kingdom, at America.

Ilang buwan lamang mula ngayon, walong kapilya sa Canada, Japan at Estados Unidos ang nakatakdang ihandog at pasisinayaan kabilang ang mga bagong bahay-pagsamba sa Bakersfield, California; Lubbock, Texas; Jersey City, New Jersey; Orange Park, Florida; Corona, Southern California; High Point, North Carolina; Regina, Canada; at Ibaraki, Japan.

Ayon kay Zabala, ang INC ngayon ang isa sa pinakamabilis ang paglago sa mga denominasyong pangrelihiyon sa mundo bunsod ng suporta ng mga distrito ng Iglesia sa Estados Unidos at iba pang mga bansa “kung saan patuloy ang buong-lugod na pagtulong ng mga Kapatid sa layunin ng INC sa pagpapalaganap ng pananampalataya.”

“Masaya kami at may pagpapasalamat, hindi lang bilang mga kaanib sa Iglesia kundi bilang mamamayan ng iba’t ibang bansang aming pinagmumulan. Saksi kami sa dami ng mga lahing nagmumula sa iba-ibang estado ng buhay na maliban sa niyayapos ang aming pananampalatayang Kristiyano ay ipinagdiriwang ito sa iisang wika: ang  Kristiyanong pag-ibig.”

Ayon kay Zabala, ang mga “pagsamba” na isinasagawa sa ibang bansa ay pareho sa paraang nakasanayan ng maraming mga kaanib sa Iglesia dito sa Filipinas, ngunit sa lokal na wika ng mga nakikinig.

“Kinakailangang matutunan ng mga ministrong hindi Filipino ang ating salita at dahil sa panuntunang ito, sila ay nagiging matatas sa pananagalog.

Samantala, ang mga ministrong Filipino ay dapat matutunan ang wikang pagkakatalagahan sa kanila. Isa ito sa mga dahilan kung bakit niyayakap ng maraming bansa sa mundo ang INC.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …