Friday , November 15 2024

Dinaanan ni Nona wala pang koryente

NANATILING walang suplay ng koryente sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Nona.

Sa Quezon, walang koryente sa mga bayan ng Padre Burgos, Agdangan, Unisan, Pitogo, Macalelon, General Luna, Mulanay, Catanauan, San Narciso, San Andres, at Buenavista.

Walang koryente ang mga bayan ng Bulan, Matnog, Sta. Magdalena, Bulusan, Irosin, Juban, Casiguran, Magallanes, Gubat, Castilla, Donsol, at Bacon sa lalawigan ng Sorsogon.

Sa Albay, walang suplay ng koryente sa mga bayan ng Oas, Polangui, Libon, Ligao, Pio Duran, Guinobatan, at Camalig habang apektado ang mga bayan ng Iriga, Bato, Nabua, Buhi, Baao, at Balatan sa Camarines Sur.

Putol din ang suplay ng koryente sa mga bayan ng Sulat, Taft, Dolores, Can-avid, Oras, San Policarpo, Arteche, Jipapad, Maslog, Borongan, Balangkayan, San Julian, Maydulong, Llorente, Salcedo, Guiuan, MacArthur, Hernani, Quinapundan, Giporlos, Balangiga, at Lawaan sa Eastern Samar.

Walang koryente sa ilan pang lugar sa Kabisayaan, partikular na sa Northern at Western Samar.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines at Department of Energy, oras na gumanda ang panahon ay agad silang magsasagawa ng inspeksyon.

Ito ay upang alamin kung saan nagkaroon ng problema na nauwi sa pagkawala ng suplay ng koryente sa mga nabanggit na lugar.

Napag-alaman ding walang suplay ng koryente sa Marinduque at Romblon.

Bawal munang maglayag sa VizMin — PCG

HINDI pa rin pinapayagan ng Philippine Coast Guard (PCG) na maglayag ang mga sasakyang pandagat sa mga lugar na apektado ng bagyong Nona.

Sa tala ng PCG nitong Martes, 4 a.m., halos 7,000 biyahero ang stranded sa mga pantalan sa buong bansa.

Nasa 2,265 pasahero ang nakatengga sa mga pantalan sa Timog Katagalugan habang 1,503 ang nasa mga pantalan sa Eastern Visayas.

Halos 1,002 pasahero ang naantala sa pantalan sa Bicol.

Higit 900 ang mga pasaherong apektado sa Central Visayas, higit 600 sa Palawan, at higit 300 sa Western Visayas.

Sa pier sa Maynila ay nasa 115 pasahero ang stranded.

Ayon kay PCG spokesman Commander Armand Balilo, hindi pa rin nila pinapayagan ang paglalayag dahil ayaw muna nilang magpakampante.

Aniya, paglipas ng bagyo ay magtataya pa sila kasama ang mga kapitan ng barko, kung makakaya ng mga sasakyan na suungin ang mga alon.

Northern Samar isinailalim na sa state of calamity

PORMAL nang idineklara ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang pagsasailalim sa state of calamity sa buong lalawigan ng Northern Samar.

Ito ay dahil sa grabeng pinsala na iniwan ng bagyong Nona.

Base sa nakuhang impormasyon, aabot sa P724.95 milyon ang inisyal na danyos na iniwan sa impraestruktura sa Northern Samar habang aabot sa P121.33 milyon sa agrikultura.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …

Motorcycle Hand

3 motorsiklo bigong masikwat, armadong kawatan timbog

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na pagnanakaw ng motorsiklo matapos muling magtangkang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *